600 munisipyo walang fire truck

MALAMANG na malaking sakit ng ulo sa gobyerno at mga komunidad kung magkaroon ng malalaking sunog sa maraming bayan sa Pilipinas.

Inihayag nitong Miyerkules ni National Police Commission chairman Jesse Robredo, secretary ng Department of Interior and Local Government, na halos 600 munisipyo sa bansa ang walang fire trucks.

Aniya, kawalan ng sapat na pondo ang dahilan kung bakit walang pamatay-sunog sa mga nasabing bayan, pati na sa ilan pang mga siyudad na wala ring fire trucks.

Bago pa man naganap ang sunog sa isang hotel sa Tuguegarao City sa Cagayan na ikinamatay ng 16 katao, may mga proposal na umanong ginawa ang opisina ni Robredo para madagdagan ang bilang ng fire trucks ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Kabilang dito ang paghingi ng presidential approval sa paggamit ng local government units ng kanilang calamity fund para ipambili ng fire trucks at fire-fighting equipment.

Idinagdag pa ng kalihim na ginagawan na rin ng paraang maayos ang sistema sa BFP.

Kabilang dito ang pagpapalabas ng anti-ningas cogon memorandum na nagpapa-alala sa mga bumbero na huwag magpatumpik-tumpik sa kanilang trabaho.

Binigyang diin ni Robredo na kailangang itaas na ang accountability ng mga bumbero kaya hindi lang ang city fire marshall ang mananagot sakaling magkaroon ng malaking sunog kundi maging ang provincial fire marshall. Johnny F. Arasga

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply