7 Pilipino, panibagong bihag ng Somali pirates

MULING nakabihag ang mga Somali pirates sa Gulf of Aden ng isang barko na may lulang Filipino crew.

Ayon sa ulat nitong Miyerkules ng European Union Naval Force (NavFor) na nagpapatrolya sa Indian Ocean, walo ang tripulante ng Antigua and Barbuda-flagged ship na M/V Ems River – pito ang Pilipino at isa ang Romanian.

Mula ang barko sa San Nicoals, Greece na patungo sanang Jebel Ali sa United Arab Emirates nang atakihin ng mga pirata.

Sa kasalukuyan, 26 na ang mga barko na ang hawak ng mga pirata na may lulang 609 hostages, ayon sa NavFor.

Ang pag-hijack sa M/V Ems River ay kasabay ng pagpapalaya sa German ship chemical tanker na Marida Marguerite.

Matatandaang ang Marida Marguerite ay na-hijack noong Mayo. Sakay nito ang 22 crew – 19 na Indian, dalawang Bangladeshi, at isang Ukrainian national. Johnny F. Arasga

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply