7 volcanic quakes naitala sa Mt. Bulusan

MATAPOS ang mahigit dalawang linggong pananahimik ng Bulusan Volcano sa Sorsogon, namamataan na naman ang pagiging aktibo nito kung saan nakapagtala ang Philippines Institute and Volcanology and Seismology (Philvocs) ng pitong volcanic quakes sa loob ng nakalipas na 24 oras.

“The seismic network around Bulusan Volcano recorded seven volcanic earthquakes during the past 24-hour observation period. Steaming activity at the crater and known thermal vents ranged from wispy to moderate. The average sulfur dioxide flux yesterday was 4 tonnes/day,” batay sa Phivolcs sa kanilang ipinalabas na  8 a.m. Monday bulletin.

Kaugnay nito, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang naturang bulkan.

Dahil dito, pinapayuhan pa rin ang mga residente sa kalapit pook na umiwas na pumasok sa 4-km Permanent Danger Zone (PDZ) .

“Civil aviation authorities must also warn pilots to avoid flying close to the volcano’s summit as ejected ash and volcanic fragments from sudden explosions may pose hazards to aircrafts,” saad pa ng Philvocs.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply