Abu Sayyaf, nasa likod ng Jolo church blast?

MAAARING mga miyembro ng Al Qaida-linked Abu Sayyaf ang may kagagawan ng pagpapasabog ng simbahan sa Jolo, Sulu nitong Pasko.

Inulat ng Philippines News Agency nitong Lunes na bago maganap ang insidente, nakasaad sa isang government intelligence report na may plano ang grupo ng Abu Sayyaf na pinangungunahan nina Sali Said, Najib Magdal, Alhabsi Misaya, at Kahil Kadih na bombahin ang Sacred Heart Church sa bayan ng Asturias.

Sampung sibilyan at isang pari, si Ricky Baculcol, ang nasugatan sa pagsabog ng chapel kung saan nagaganap ang isang misa. Mapalad namang nakaligtas ang mga biktima.

Iniutos na ng pamunuan ng Philippine National Police na imbestigahan ang mga pulis na kabilang sa Special Action Force at mga kasapi ng Marines na nakadeploy sa lugar nang mangyari ang pagsabog ng isang improvised explosive device sa chapel.

“They were being investigated for possible security lapses on how the bombers managed to slipped and conduct bombing,” ani PNP spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr.

Ayon naman kay Autonomous Region in Muslim Mindanao-Police Regional Office (ARMM-PRO) director Chief Supt. Bienvenido Latag, mananagot ang sinumang mapapatunayang nagpabaya sa kanyang trabahong masiguro ang kaligtasan ng mga naapektuhan ng pagsabog.

“Investigation is going on; both the Philippine Marines and the PNP, including Special Action Force, especially those who were posted on duty that day, will be made accountable,” ani Latag.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply