Aclan-delos Santos Nuptial

MINSAN ang pag-aasawa dumarating nang hindi mo inaasahan.

Sabi ng iba, kapag bumilis ang pintig ng puso mo sa oras na makilala mo ang taong itinakda na para sa iyo.

Ganito ang naging kwento ng buhay-may-asawa ni Nino Aclan, 30, senior reporter ng Bagong Tiktik (daily tabloid) na naka-beat sa Senado.

Ayon kay Noriel Mercado ng Public Relations Information Bureau (PRIB) ng Senado, nag-aaral pa lang si Aclan sa Lyceum of the Philippines, beat reporter na ito ng dyaryong Toro.

“Naku napakapayat niyan nang dumating dito sa Senado.  Inalagaan nga namin yan dito ni Tess Rapadas (dating Bandera reporter.  Noon ngang pagkatapos ng graduation niya tumuloy siya dito sa Senate naka-toga pa.  Then, nag-night swimming ang grupo bilang pakikiisa sa kaniyang pagtatapos,” ani Mercado.

Walang makapaniwala sa Senate media na makapag-aasawa si Nino ngayong taon dahil wala namang napabalitang girlfriend nito bagama’t magiliw siya sa kababaihang reporters at senator’s staff.

Ilang araw bago magtapos ang 2010 campaign para sa eleksiyon, nagulat ang lahat nang mabalitaang ikakasal na siya sa sibil kay Arra delos Santos, 21, midwifery student at tubong Sipocot, Camarines Sur.

Sadyang mabilis ang mga pangyayari kaya hindi nakaiwas si Nino sa mga tuksuhan kung paano nangyaring ikakasal na pero walang napabalitang GF.

Dahil naniniwala sina Nino at Arra na mahalaga ang basbas ng Diyos sa kanilang pagsasama, itinakda ang kasal sa simbahan nitong Disyembre 18, 2010 kasabay ang binyag sa kanilang panganay na si baby Xhierrianne Mae.

Dinaluhan ng ilang senador, senate media reporters at malalapit na kaibigan ang simpleng kasalan ng taon sa Senado na idinaos sa  St. John Mary Vianney Parish sa Guadalupe, Makati City.  Si Rev. Fr. Jaime S. Marquez ang officiating priest.

Bagama’t malungkot sina Mr. and Mrs. Apolinario Aclan sa di inaasahang pag-aasawa ng kanilang panganay na si Nino, masaya na rin sila dahil maayos na lumagay sa tahimik ang anak.  Gayundin kina Mr. and Mrs. Romeo Delos Santos. Best wishes Nino at Arra.  Mula sa Senate reporters. Photos by Rudy Rabulan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply