AFP handa sa kasong isasampa ng Morong 43

HANDA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa anumang kasong isasampa sa kanila ng Morong 43.

Batay sa panayam ng DZMM kay AFP Spokesman Brig. Gen. Jose Mabanta, karapatan ng Morong 43 ang pagsasampa ng kaso at handa silang harapin ito.

Pagkakalooban aniya nila ng legal assistance ang kanilang mga tauhan na masasampahan ng kaso.

Itinanggi naman ni Mabanta na nakaapekto sa morale ng mga sundalo ang ginawang pagpapalaya sa Morong 43 o ang 43 health workers na inaresto sa Morong, Rizal noong Pebrero matapos mapagkamalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Bahagi aniya ang AFP ng chain of command at kanilang susundin anumang desisyon ng kanilang commander- in-chief na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Inihayag pa ni Mabanta na wala ring problema sa kanila ang plano ng Malakanyang na palayain pa ang ibang mga political prisoner dahil naniniwala silang anumang maging desisyon ni Pangulong Aquino ay para sa mas nakararaming Pilipino.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply