Aga Mulach, nasa bakuran na ng TV5

AYON sa reliable source, pumirma na diumano ng kontrata si Aga Muhlach sa TV5.

Pero ang nakakagulat lang sa TV5 bakit namimirata din sila ng ibang artista na may kontrata pa sa network  gaya ng tsismis na kinukuha  sina Piolo Pascual, Sam Milby, Angel Locsin, Sarah Geronimo, Boy Abunda, Maja Salvador.

Sana ‘respeto’ na lang  para hindi nagkakagulo-gulo at nagkakademandahan. Sana sa 2011 wala nang sulutan ng artist na naka-kontrata pa para hindi na nagkakaproblema.Kunin na lang nila ‘yung mga libre.

Sa   www.abs-cbn.com,  walang pag-amin si Aga. Sambit lang niya: “Blind item ‘yun, eh. Sigurado kayong ako ‘yon? Blind item nga ‘yon, eh.”

Well, abangan na lang natin!

-0o0-

Hindi isinasara ni Aga  Muhlach na makatrabaho ulit ang megastar na si Sharon Cuneta. Pag may dumating daw na tamang proyekto sa kanila,   bakit naman daw hindi.

“I’ve always been willing to work with her, she knows that,” deklara ng magaling na actor sa isang interbyu.

-0o0-

Nakakaloka naman ang drama nina Arnell Ignacio at Zuzuki. Mistulang kinabog na nito ang umingay at naging laman ng pahayagan na love team nina Kim at Gerald , Heart at Daniel  dahil  laman pa rin ito ng tabloid at maging ng mga talk show.

Pero ang latest ay warla  na naman as in magkaaway na naman ang dalawa. Ang tsismis sa amin, umatend daw ng isang  Christmas party ang dalawa ng isang malaking kumpanya , kung saan nag host si Arnell kasama ang komedyanang si Ruffa Mi.

Habang nagho- host daw ay napansin ni Arnel ang pagtitig at pagngiti-ngiti ni Suzuki kay Ruffa Mi na ikina-imbyerna ng magaling na host. Kaya naman daw ang ending lumaklak ng lumaklak daw ng alak si Arnel  hanggang malasing ito  ng bonggang bongga, kada-bigay raw na alak ng mga taong naroon ay iniinom ni Arnel, kaya naman laking gulat ng mga nakakakilala dito dahil di naman daw ito ganun kalakas uminom.

Ang ending ay halos gumapang na ito palabas ng  venue ng Christmas party ng isang kumpanya , mabuti na lang daw ay nandoon si Suzuki  na umaalalay dito. Na habang naglalakad palabas ay tinatalalakan si Suzuki tungkol kay Ruffa Mi. Mukhang nagselos daw si Arnell kaya nagawang magpakalasing. Ang maganda lang daw ay walang umabagang naganap.

Yun na! Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply