Ai Ai de las Alas, nagtatampo sa Star Cinema

TRUE  kaya na nagtatampo raw sina Ai Ai dela Alas at Direk Wenn Deramas sa Star Cinema dahil mas bongga raw kasi ang ginagawang promo ng nasabing production outfit sa “Dalaw” ni Kris Aquino kaysa sa “Tanging Ina (Last Na `To) na parehong entry sa MMFFP.

Tsika pa na hindi raw kuntento sina Ai Ai at direk Wenn sa ibinibigay na suporta ng Star Cinema sa kanilang pelikula kumpara sa ibinibigay na promo sa “Dalaw” ni Kris kaya mas maingay ito at pinag-uusapan kaysa movie nila.

In fairness naman kay Kristeta. Talagang ibinuhos nito ng todo ang sarili para bigyan ng magarbong promo ang kaniyang movie.

In fact, si Kris na raw mismo ang nag-o-organize para mabigyan ng magandang promo ang Dalaw at bilang isa sa producer ng movie ay aminado ang TV host/actress na gagawin niya ang lahat para lang makumbinse ang mga Pinoy na manood ng entry nila sa MMFFP simula sa Dec. 25.

Sa palagay namin ay hindi rin naman papayag ang Star Cinema na basta na lang matalo sa takilya ang “Tanging Ina” ni Ai Ai at sigurado kami na hindi rin sila magkukulang sa pagbebenta ng nasabing movie para panoorin din ito sa mga sinehan on Dec.25.

***************

Hindi nakaligtas sa mata ng mga priest sa CBCP ang dalawang eksena sa pelikulang Fr Jejemon entry movie ni Dolphy sa Metro Manila Film Festival.

Pinatatanggal ang eksenang aksidenteng nakahulog ng ostiya sa dibdib ng isang babae na nangungomunyon.

Ang ikalawa ay eksena na pagkakaipit ng ostiya sa pustiso ng isang matandang babae na nangungomunyon din.

Nanawagan ang executive secretary ng Catholic Bishop sa MTRCB na tanggalin ang nasabing dalawang eksena na isa raw diumano pambabastos sa pananampalatayang Katoliko.

Nanakot pa ang naturang priest na kung hindi raw tatanggalin ang naturang eksena ni Dolphy ay dapat daw iboycot ito.

May nagpayo naman kay Mang Dolphy na ipaglaban ang naturang eksena pero magalang naman itong tinanggihan ng Comedy King.

Ayon kay Mang Dolphy, kung kailangan ipatanggal ang naturang eksena ay wala silang magagawa kundi sundin ito dahil una ay wala siyang balak kalabanin or bastusin ang Katoliko dahil siya ay isang tao may takot sa Diyos.

“Ayoko kalabanin sila. Kung kailangan tanggalin, tanggalin natin. Ako ay maka-Diyos na tao at malaki ang panggalang ko sa mga Priest. Kung yun ang gusto nila ay dapat nating sundin,” pahayag ni Mang Dolphy.

Well, sa mga nakapanood ng naturang eksena. May nagsasabi na walang malisya ang ginawa ni Mang Dolphy dahil hangad lang naman ng movie ay magpatawa at magbigay saya sa mga tao.

May nagsasabi rin na anong masama sa nasabing eksena ganoon isang comedy film naman ito na hindi dapat seryosohin.

Anyway, sigurado na hahanap-hanapin ang naturang eksena ng mga taong dadagsa sa pagsisimula ng pagpapalabas ng walong pelikulang entry sa MMFFP sa mga sinehan on Dec. 25.

JOEL CRUZ, WA KEBER SA TAAS NG BUDGET NI CHARICE PEMPENGCO

Dedma lang si Joel Cruz, big boss ng Aficionado Germany Perfumes kung sobrang taas ang talent fee ni Charice Pempengco.

Si Charice, kasama si Gary Valenciano ang mga pangunahing performers sa special event ng 1@ 11 ng Aficionado sa January 8, 2011 na gaganapin sa SM Mall of Asia concert grounds.

“Expensive si Charice pero okey lang. Very friendly naman. Matagal na kasi yung negotiation namin at kung nagtaas man sila ay konti lang naman,” say ni Joel nang makatsikahan namin sa kanyang condo-unit sa Roxas Blvd.

“Pero madali silang kausap. Sa January 8 ng umaga ang dating niya at sa gabi kakanta siya ng mga 7 songs sa show,” tsika pa ni Joel.

May pasabog din si Charice sa gabing yun dahil magsisilbing launching din yun ng kanyang pabango (Charice Unisex Perfume) bilang endorser ng Aficionado.

Bukod kina Charice at Gary V, rarampa rin ang mga sikat na modelo at mga artista na sina John Lloyd Cruz, Pauleen Luna atbp na ididirek nina Robby Carmona at Roxanne Lapus. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply