Ai Ai gumawa ng pampasuwerte sa kanyang pelikulang pang-MMFF

TULAD ng ginawa ni Kris Aquino sa prescon ng “Dalaw”, nagpa-raffle rin si Ai-Ai delas Alas sa press na ginanap sa kanyang pa-press party sa CityBest Morato. Pampaswerte ito sa kanyang MMFF 2010 entry na “Tanging Ina Mo Last Na To!” Pero kahit na wala siyang pelikula ay nakaugalian na ni Ai na magpa-Christmas party every sa press.

Sa totoo lang, bumaha rin ng cash prizes, cell phones at appliances! At lahat panalo kasi ‘yung mga hindi nabunot sa raffle ay binigyan lahat ni Ai ng P2k each bukod pa rito ang kanyang cash aginaldo at loot bag ng lahat ng kanyang product endorsements. Kaya naman ang saya ng press dahil may entertainment number pa ang bagong Hotmen na younger version ng Masculados.

Naka-costume na Minnie Mouse si Ai-Ai pero nagmistulang siyang Sta. Claus sa lahat. Again, gusto naming tanungin kung sino pa sa malalaking artista ng ABS-CBN ang magpapa-xmas party at pa-raffle sa press. Paging Sharon, Piolo, Angel, John Lloyd at iba pa!
***
Malaki nga ang nagawa ng teleseryeng Magkaribal kay Gretchen Barretto. Na-revived ang kanyang career nang bonggang-bongga at ngayon ay kinuha na rin siya ng Bench para sa kanyang signature fragrance, ang Greta na may amoy na jasmine at Victorian ang motif ng packaging. It only sells for P348 at magandang pang-regalo ngayong Pasko.

Matagumpay ang naging launching ng Greta fragrance sa Trinoma last Friday. Nagmistulang goddess si Gretchen habang rumampa siya sa stage suot ang mamahalin niyang gowns and diamond-studded necklace.

Ayon kay Ben Chan, may approval kay Gretchen ang ginamit na set sa pictorial at ang packaging mismo ng Greta fragrance. Madali lang daw katrabaho si Gretchen at hindi siya binigyan nito ng problema.

Naitanong din ng press kay Ben Chan ang tungkol sa pagkuha kay Shalani Soledad bilang latest celebrity endorser ng Bench. Lalabas daw si Shalani sa billboard ng “Willing-Willie” featuring Willie Revillame at ang daily cologne na ine-endorse nito for Bench.

Nagkataon lang daw na si Shalani ang co-host ni Willie ngayon sa show kaya isinama siya sa billboard. Wala raw produkto na ini-endorse si Shalani sa Bench. So maling-mali rin ang intrigang lumabas na kesyo hinaharang daw ni Kris Aquino ang pagiging latest celebrity endorser ni Shalani sa Bench. “It’s a non-issue,”tugon ng owner ng Bench.
***
Not to be outdone by the collaboration of Vic Sotto and Bong Revilla in “Si Agimat at si Enteng Kabisote”, heto’t may sariling MMFF entry si Dolphy, ang “Father Jejemon”. First time na papapel na si Dolphy bilang isang pari at matagal na niyang pangarap na gampanan ang role na ito. Pero syempre ang kanyang pagiging pari ay may twist kasi isa siyang modernong priest na mala-jejemon kung magsalita.

Suportado siya dito ng YouTube sensations na sina Moymoy Palaboy, Roadfill at Rhap Salazar plus Ejay Falcon who is being introduced in this movie.
Medyo nabahiran nang lungkot si Dolphy kamakailan lang nang ma-rape ang kanyang apo na special child. Nananalangin si Dolphy na mabibigyan nang hustisya ang kanyang apo.

Binalewala rin ni Dolphy ang laging pag-iyak ni ZsaZsa Padilla sa mga interviews nito. Sadyang emosyonal lang daw si Zsazsa dahil laging nag-aalala ito sa health. Pero kahit 84 years old na siya ay nakakapagtrabaho pa rin siya. “Hindi nga lang ako kasing lakas at liksi dati pero okey pa naman ako,”tugon ni Dolphy.
***
Patuloy ang Christmas ambiance sa Bubble Gang this week sa kanilang Bukas Regalo gags. Feeling nostalgic naman si Moymoy sa kantang Tearing Up My Heart. Nagpa-Pedicure si Cheche habang nagbabalik ang Baklang Grasa. Magulat ka na lang dahil biglang nag-Rap Ang Parrot. Bakit Ganun? But That’s My Point!Definitely Worst Friend mo ang Cannibal sabi ng Matapang Na Announcer! Tonee Coraza

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply