Best actress si Ai-Ai dahil kay best friend Kris?

NAGING best actress ba ng Metro Manila Film Festival (MMFF) si Ai Ai delas Alas dahil “best friend” siya ni Kris Aquino, na kapatid ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III?

Ito ang tanong na ibig masagot ni Sen. Gregorio “Gringo” Honasan kaya’t nagpahayag ito ng intensyong kalkalin ang pagkapanalo ni Delas Alas, ang bida sa pelikulang “Tanging Ina, Last Na ‘To,” na nanalo ring “best picture” sa nasabing film festival.

Kahapon, nagpahayag ng pagkabahala si Honasan sa pagkapanalo ni Delas Alas dahil ito ay malapit na kaibigan ni Kris.

Ayon sa senador, na chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, kahit na pinagpipiyestahan na sa dyaryo at internet ang pagkakapanalo ni Delas Alas, hindi agad ito maiimbestigahan kung walang senador ang maghahain ng resolusyon hinggil dito.

Sinabi ni Honasan na magsasagawa siya ng inisyal na imbestigasyon para malaman kung may basehan bang magpatawag ng Senate hearing ukol sa kontrobersya na awards night ng MMFF.
“Itatanong ko muna sa colleagues ko kung may basis ang investigation nito,” wika ng senador.

Ilan sa kakausapin ng senador ay sina Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada, Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., Sen. Lito Lapid, at ang ibang miyembro ng komite.

Kung papaboran ni Honasan ang pagsasagawa ng imbestigasyon, posibleng ipatawag dito si Delas Alas at ang mga opisyal ng MMFF pati na ang mga juror.

Si presidential spokesman Edwin Lacierda ang pumapel na pinuno ng jury.

Kabilang sa mga miyembro ng jury ay sina actor Robert Arevalo, Makati City student Justin Binos, film director Emmanuel Borlaza, Mandaluyong City teacher Arnold Cabaluna, movie reviewer and television host butch Francisco, Muntinlupa City bus driver Milton Medina, actress and satirist Mae Paner, Deedee Sytangco, Ricardo Trofeo, Baby Villegas.

Ipinagtanggol ni Lacierda ang pagkakapanalo ni Delas Alas. Aniya, ang aktres ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa hanay ng mga juror. Ernie Reyes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply