Aljur Abrenica, magbabahag

ISA na namang big break kay Aljur Abrenica  kung siya ang magiging bida  sa TV remake ng ‘Machete’.

Ang unang ‘Machete’ ay ginampanan ni  Cesar Montano sa Seiko Films noong 1990, sinundan ito ni Gardo Verzosa at sa ‘Komiks’ naman ng ABS-CBN 2 noong 2006 ay si Joseph Bitangcol.

Balitang ibabalik ito ng GMA 7 at si Aljur nga ang napipisil. Naniniwala naman si Cesar na bagay kay Aljur ang naturang serye kaya aprubado ito sa kanya. Baka raw malampasan pa niya o mas maganda ang magagawa ni Aljur bilang ‘Machete.’

Ready na rin si Aljur na magpakita ng katawan sa naturang serye dahil nakabahag ito at maraming love scenes sa mga leading ladies. Hindi na rin daw siya bagets kaya kaya niya raw itong gawin, Twenty years old na raw siya at mature na raw siya para gawin ang ganung mga eksena.

Korek!

-0o0-

Mas lalong sisikat ang TV5 sa Cebu dahil isang Cebuana ang tinanghal na Brightest Star at Grand Winner  sa Star Factor. Ito’y si Eula Caballero na bonggang-bongga ang kanyang production numbers. Muntik ngang mag-hello ang kanyang boobs ay nagha-hi ang kanyang cycling shorts, bagay na bagay sa kanya ang pag-iyak at pagi-emote habang sumasayaw ng kantang  “Bring Me To Life.”

Nanalo si Eula ng 1 million cash,four-year college scholarship, house and lot, at 1 million contract sa TV5.

Ayon sa head of Creative and Entertainment Production, na si Percy Intalan, marami silang plano kay Eula.

Kung paano raw naggo-grow ang network, ganun din ang gagawin nila kay Eula. Sa audition pa lang daw ay nagmarka na ito sa kanya at parang sinagot ang hkanhaanp nilang dramatic actress na bata.

“Excited na rin po ako na makatrabaho ang mga actors at actresses natin sa kapatid network. Happy ako sa pagtitiwala ng network sa akin. Sobrang na-ovewhelmed sa  sinabi sa akin kanina  ni Sir Percy about sa audition pa lang ay nakitaan na niya ako ng potensyal. Sobrang happy,” sey ni Eula sa ginanap na presscon after ng contest sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Unang gagawin ni Eula sa napanalunan niyang isang milyon ay iga-gather niya ang families niya at mag-dinner sila. Minsan lang naman daw mangyayari. “Hindi ko pa po kasi kilala lahat ng relatives naming lalo na sa side ng papa ko,” sey niya na biniro naman ng press na siguradong dadami ngayon ang kamag-anak niya.

Magbibigay din daw siya sa  nire-renovate na church nila  sa Cebu.

Samantala , aware naman si Eula na muntik nang masilipan  sa kanyang production number. Hindi ba siya natakot?

“Hindi po kasi sobrang care free naman po ako. Naka-nipples tape naman ako. Sobrang inaalagaan naman ako ng lahat ng staff ng ‘Star Factor’.  Bago po ako nag=-production number, tinanong pa po ako kung naka-nipples tape na ba ako. Paulit-ulit nila akong tinatanong para maging safe po. Kasi nga, ganun po ‘yung costume ko dun.

“Actually, nag-fit na po ako nun. Sinabi na po sa akin na magdala ng cycling shorts for that,” aniya pa na kung saan ay inalalayan din siya ni Direk Al Quinn. Attentive  daw ito at nakita na niya na may danger na puwedeng mangyari kaya naka-wide na ang kamera niya at hindi masyadong nag-close up kay Eula  para maagapan agad kung may mag-hello.

Gusto raw niyang sundan ng yapak  ang dating  Starstruck Avenger  na si Arci Munoz na hindi pa rin naman kasikatan. “Nakita  ko siya noong  concert ni Rain. Hindi ko pa po alam na kapatid na siya noon pero sabi ko, o yang ganda niya at kumakaway sa siya sa lahat ng tao. Nasa isang tabi lang siya at napaka-humble niya.  Nakikipag-usap siya sa mga guards. Ang bait niya, may respeto siya sa lahat ng tao, magaling ding mag-act,” sey niya.

Gusto rin ba niyang maging kontrabida dahil karamihan ay ganito ang role ni Arci?

“Gusto ko pong magbida this time,” pahayag niya.

Gusto niyang maka-partner sa Star Factor ay si Paul Montecillo. Sa mga sikat namang actor ay si JC De Vera.

‘Yun na at congrats kay Eula!

-0o0-

Deserving si Jacky Woo na tumanggap ng Walk of Fame dahil pusong Pinoy ito at malaki ang naitulong sa naghihingalong movie industry kumpara sa ibang Pinoy artist natin. Ilang beses na ba siyang nagprodyus ng mga pelikula at nakapagbigay ng trabaho sa mga kababayan natin.

Nagpatayo pa siya ng school building sa Nueva Ecija para sa mahihirap na bata na gustong mag-aral.

‘Yung mga kumu-question kay Jacky, alamin muna nila kung ano ang nagawa  at naitulong ni Jacky sa bansa bago sila mang-intriga.

Isa  pa ngang nakakabilib kay Jacky Woo ay ipinagmamalaki niya ang Pilipinas sa ibang bansa at vision nito na makilala ang ating bansa sa buong mundo. Everytime na may gawin siyang pelikula, gusto niya sa Pinas gawin. Tulad nitong isang international movie  entitled “Temple of Kali’  na  iso-shoot sana sa Japan pero  nirekomenda ni Jacky na kunan na lang ito sa Pinas.

Nag-location hunting ang mga producers na sina  Jeff Beach at Mike Sano at nagustuhan nila ang Tanay at Palawan. Perfect daw ang bansa natin para kunan ang mga maaksyon nilang eksena.

Nagkaroon din ng audition sa mga Pinay actress para mapasama sa pelikulang ito sa Imperial Palace nu’ng Saturday.

Maghahanap din daw sila ng 12 actors na isasama sa pelikula at magsisimula sa March, 2011 ang naturang pelikula. Filipino director din ang gagamitin nila para sa second unit nito.

Basta  malaking tulong si Jacky Woo sa ating mga kababayan at mahal niya ang ating bansa kaya nararapat at karapat-dapat lang siyang may lugar siya sa Walk of Fame. Roldan Castro

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply