Aljur Abrenica, tatlong taon ipinagdasal ang role na Machete

MASUWERTE talaga si Aljur Abrenica  sa GMA 7 dahil  madalas ay  title role ang ibinibigay na project sa kanya.  Pagkatapos ng  ‘Last Prince,’ eto naman ang ‘Machete’ na bubulaga sa 2011.

“Gabi-gabi pinagdarasal ko talaga. Sobrang excited po kasi three years ko na pong hinihintay ito. Hindi po exactly sinasabi sa akin na para sa akin. Nabalitaan ko lang na magkakaroon ng Machete three years ago. Hindi na po nagkaroon ng auditions kaya thankful ako na ako po ang napili, napakasuwerte ko,” pahayag  ni Aljur.

Marami ang nagsasabi na bagay kay Aljur ang ‘Machete’ dahil sa ganda ng hubog ng kanyang katawan. Lalaking-lalaki ang dating, Moreno at  Pinoy na Pinoy. Ready na ba ang actor na ibuyangyang  ang katawan at pagpantasyahan?

“Handa po ako sa ganyang bagay. Noon pa po tinatanong na sa akin iyan pero sinasabi ko lang po na napa-flatter ako. Para pagpantasyahan nila ako ibig sabihin ay may nakikita silang maganda o attractive sa akin. At thankful po ako sa kanilang paghanga,” aniya.

“Ang Machete ngayon, medyo magko-concentrate po kami sa love story. It’s all about eternal love. Sensual din pero magfo-focus kami sa love talaga, sa romance,” paglilinaw niya.

Wala namang problema kay Aljur kung magsuot siya ng bahag. Sure naman siya na hindi magiging malaswa ang papapaseksi niya sa TV.
Handa po ako sa ganyang bagay. Noon pa po tinatanong na sa akin iyan pero sinasabi ko lang po na napa-flatter ako. Para pagpantasyahan nila ako ibig sabihin ay may nakikita silang maganda o attractive sa akin. At thankful po ako sa kanilang paghanga.”

SPOILED FEMALE DANCERS, PAKALAT-KALAT, IDINI-DATE ANG BOYS NA NAKAPALIGID SA FEMALE TV HOST

Dapat siguro ay wag pakalat-kalat ang mga female dancers na ito dahil  hindi na sila nakatutuwa. Inaalaagaan sila at  very spoiled sila sa magaling na tv host at sa production pero dapat ay pangalagaan nila ang image nila.

How true na dine-date ng mga ito ang mga  boys na nakapaligid sa isang female tv host-politician?  Huwag na sila mag-deny dahil minsan sakay sila ng Starex  na  may tatak sa pangalan ng female tv host –politician na kulay dilaw at nag-park sa Torre Venezia. Alam kaya ito ng magaling na male tv host?

‘Yung isang  female dancer  mukhang hindi na siya lovely dahil nakikitang nakikipag-date sa Timog at inaabot ng madaling araw. Balitang may anak na ito pero hiwalay yata. Alam din kaya ito ng gf  ng ka-date niya na isang flight attendant. Baka mapukpok sila ng martilyo,ha!

‘Yung  isang  female dancer naman na  pang-derby ang dating ay hawak na rin ng ala-Rambo na binata at utol  ng ka-date ng dancer na hindi na lovely.

‘Yung isang female dancer naman natsismis na  nabangga ang car  dahil galing sa gimik, nakainom  diumano at inabot ng madaling araw. Naku, mag-behave nga ang mga female dancers na ito dahil hindi na nakakawili ang mga balita sa kanila.

‘Yun na ‘yun!

MAGALING NA AKTRES, NAUUGNAY SA DYOWA NG SEXY YOUNG STAR

Hiwalay na raw ang magaling na aktres at  ang  kanyang asawa  na kilala ang pamilya.

Nagulat kami sa tsismis na nauugnay ngayon ang aktres sa dyowa ng isang seksing young star.

Aware kaya ang magaling na aktres na may umiikot na hindi magandang tsika sa kanya at naninira siya diumano ng relasyon? Dapat  ipaliwanag ng aktres ‘yan.

DIREK PAUL SORIANO, INSPIRADO SA RELASYON NILA NI TONI GONZAGA

Mukhang inspirado si Direk Paul Soriano sa relasyon nila ni Toni Gonzaga. Habang tumatagal ay gumaguwapo ito.

Nakita namin siya sa last shooting daw ng ‘Thelma’ na pinagbibidahan nina Maja Salvador at Jason Abalos, mas guwapo ngayon si direk.

Mas tumatatag daw ang relasyon  nila ni Toni at agree siya na after 3 years pa ang kasalan. Lagi niyang sinasabi na ‘suwerte niya kay Toni’.

Oo naman! Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply