Ambush incident sa Sorsogon, 2 katao patay

DALAWA katao ang patay makaraang ambusin sa Sorsogon, Miyerkules ng gabi.

Ayon kay PO2 Martin Espeña, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan sa mga namaril sa biktima habang nakalulan ang mga ito sa isang motorsiklo.

“For now, we have established the victims are associates of barangay captain Andrew Hernandez who is running for president of the local Association of Barangay Councils (ABC). They were about to campaign in the area when they were attacked,” dagdag pa ni Espeña sa isang panayam sa dzBB radio.

Nabatid kay Espeña na nakilala ang mga namatay na sina Danilo Razo at Oro Mirabueno habang nakaligtas naman si Hernandez at isa pa nitong kasama na si Ar-Jen Hernandez.

Naganap ang naturang insidente bandang 10:30 p.m. ng Miyerkules  sa kanto ng Cristo at San Antonio villages.

Napag-alamang si Mirabueno ay dating ABC president ng naturang bayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply