Amnestiya kay Trillanes atbp. ihahabol sa Pasko

PABIBILISIN ng Senado ang pagdinig sa mungkahing amnestiya para kay Sen. Antonio Trillanes IV at sa lahat ng mga sundalong lumahok sa pag-aaklas upang magkaroon sila ng masayang Pasko.

Sa pahayag na ipinalabas ng tanggapan ni Sen. Teofisto Guingona Jr., nakatakdang dumalo nitong Lunes sa pagdinig ang ilang matataas na opisyal ng militar na lumahok sa pag-aaklas sa Fort Bonifacio stand-off, Oakwood mutiniy at Peninsula siege.

Dadalo din sa pagdinig si Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., upang magpaliwanag hinggil sa nilalaman ng bagong Proclamation No. 75 na pumalit sa Proclamation No. 50 na binawi ng Palasyo matapos pumalpak sa ilang probisyon nito.

Sinabi ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na nakatakdang i-adopt na lamang ang testimonya at ilang deliberasyon sa naunang pagdinig upang mapabilis ang pag-aapruba sa Proclamation No. 75.

“I-a-adopt na lamang ang nilalaman ng naunang committee report upang pabilisin ang proseso,” ayon kay Sotto.

Nauna nang inaprubahan sa Senate Committee on Peace and Unification ang Proclamation No. 50, ngunit bigla itong binawi ng Palasyo dahil sa pagkakamali sa ilang probisyong nakasaad dito.

Ayon sa Saligang Batas, kailangan aprubahan muna ng Kongreso ang anumang proklamasyon ng Pangulo sa sinumang rebeldeng nag-aklas laban sa gobyerno. Ang probisying ito ang inilagay sa Proclamation No. 75, bilang pagtatama sa naunang proklamasyon.

“Magiging mabilis at smooth ang pagdinig ngayon upang umabot tayo sa plenary. Ngayon sa plenaryo, isang pinal na pagbasa na lamang ang gagawin upang tuluyan nang maaprubahan ang proklamasyon,” ayon kay Guingona.

“Gagawa na lamang kami ng isang hiwalay na committee report upang matiyak na maayos ang ulat at kaagad maaprubahan sa plenary,” dagdag niya. Ernie Reyes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply