Angelica Jones, from showbiz to public service

HINDI mo akalain na ang isang magandang artista na tinagurian na may “flawless beauty” ay sasabak sa paggawa ng silid-aralan at madudumihan ang kanyang mga kamay!

‘Yan si Angelica Jones, showbiz celebrity at na sa kanyang unang three-year term bilang provincial board member para sa ikatlong distrito ng probinsiya ng Laguna kung saan si E. R. Ejercito, isang artista, ang gobernador!

Ano ang pinagkakaabalahan ni Angelica?

“Itong walong silid-aralan na gawa sa recycled plastic bottles at mga empty bottles ng alak,” ani Angelica.

Ipinasyal kami ni BM Angelica Jones sa Barangay San Jose ng San Pablo City kung saan natapos na ang unang “recycled bottles classroom” na may ilaw mula sa solar tube.

“Sana makatulong ito sa taon-taon na kakulangan ng mga classrooms,” idiniin ng magandang mambabatas.

Inaasahan ni BM Angelica Jones na matatapos lahat ang walong plastic bottles o recycled bottles na silid-aralan sa Pebrero 2011.

“Ito ang pamasko naming sa mga batang walang silid-aralan ditto sa aming distrito,” masayang sinabi ni BM Angelica. “Katunayan, katulong ditto si Gov. ER Ejercito at nagbigay din siya ng financial na ayuda.”

Ipinaliwanang pa ni BM Angelica na si Illac Diaz, president ng My Shelter Foundation ang may konsepto ng recycled bottles schoolrooms at pinagtulungan ng dalawa na isakatuparan!

Ibinigay ng San Pablo City government ang lupa at ilan mga kompanya at organisasyon ang tumulong para maglikum ng mga empty plastic bottles. Daan din ang mga nagboluntaryo para sa konstraksiyon at libreng pagtratrabaho.

“Sana gawin din ito sa ibang bayan ng Pilipinas,” idiniin ni BM Angelica. “Huwag laging umaasa sa gobyerno kung kaya naman natin. Bayanihan lang ang papairalin natin!”

“Makakatulong din ito sa alikasan,” idinagdag ni Angelica. “Dahil imbes na nakakalat lang ang mga empty plastic bottles, magagamit pa la sa paggawa ng silid-aralan!”

Ang mga unang tumulong ay ang Pepsi Ayos Pinoy Movement, Insular Life Asssurance Company at ang mga volunteers galling sa DLSP, Born To Be Wild at Primo.

MEMORABILYA PARA KAY SUPERSTAR NORA AUNOR ITATATAG SA IRIGA CITY

Ipinabalita kamakailan ni Mayor Madelaine Alfelor-Gazmen ng Iriga City na uumpisahan nang itatag ang memorabilia para kay Nora Aunor, ang pinakasikat na artist na tubo ng Iriga City!

“Gagawin namin ito sa ground floor ng public library ng Iriga City,” ipinahayag ang masipag na alkalde sa mga manunulat at kolumnista sa isang naganap na meryenda.

Si Mayor Gazmen din ang nagpatayo ‘yong magandang Iriga City Public Library.

“Bago mawala ang mga dokumento o photos ang Super Star, kailangan maipon na ito at ilagay sa Nora Aunor Memorabilya para medaling makita, hindi lang ‘yong taga-Iriga City kundi mga bibisita sa amin. Puwede rin maglunsad ito ng entertainment tourism,” idinagdag ng alkalde.

Ipinanganak si Nora Aunor sa Iriga City at lumaki sa hanay ng riles ng tren kung saan siya nagbenta ng tubig. Hanggang ngayon, wala pang makadaig sa kanyang galing sa pagkanta, kaya nga tinawag siyang Super Star.

Binuksan kamakailan ni Mayor Gazmen ang kanyang proyekto na  P70-milypn na public market, at star-studded ito dahil guest performers sila Gerald Santos, Cueshe, Brownman Revival, Ian Batherson, Jris, Aiza Seguerra, Noel Cabangon, at True Faith. Nardz Belen

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply