Anne Curtis malamig ang Pasko

INAMIN ni Anne Curtis na sila pa rin ni Erwan, ang brother ni Sollen Heusaff (Survivor Philippines Celebrity Showdown castaway).

“Yes, kami pa rin hanggang ngayon,” ani Anne.

Si Erwan ay mas bata kay Anne, who is based in Sydney at nag-aaral pa rin sa isang university in New South Wales.

Ani Anne, sana makakasama ang boyfriend sa Pasko pero ang sigurado magkakasama sila ng kanyang daddy at Jasmine (kapatid ni Anne and soon-to-be-launch sa isang TV show ng TV5) sa Pampanga,  probinsiya ng kanyang ina.

Bising-bisi ang actress sa 2011, opening salvo nito ang kanyang soap sa ABS-CBN, ang “Green Rose” at movie nila ni Luis Manzano, ang “Who’s That Girl” kasama sina Eugene Domingo at John Lapus.

Yes, muli silang nagkabalikan ni Manzano sa pre-Valentine offering ng Star Cinema at Viva Films.

SUPORTADO ANG PAGPASOK NG KAPATID SA SHOWBIZ

Inamin din ni Anne Curtis na hindi siya ang nagpapa-aral sa kanyang kapatid na si  Jasmine, na pinasok na rin ang showbiz sa launching nito bilang 2011 Ginebra San Miguel Bida Calendar.

Ani Anne, suporta at tagapayo lang siya sa pansamantalang pag-aartista ng kapatid at hindi siya ang nagpapaaral kundi ang kanilang daddy.

Dahil bakasyon sa Australia kaya pinayagan niya ang kapatid na mayru’ng bago show sa TV5. Hanggang February 2011 lang daw ito sa bansa.

‘Pag gusto ng kapatid dahil passion din nito ang pag-arte. Okey lang as long as tatapusin muna nito ang pag-aaral. Samantala, isang certified  bida ang multi-talented young actress sa naturang kalendaryo. Masasabing isang collector’s item ito. Mula sa konsepto at tema na magbibigay pugay sa mga ordinaryong Pinoy workers hanggang sa mga kakaakit na poses ni Anne bilang isang mekaniko, babaeng military, construction worker, aviator at health & fitness enthusiast.

“First time kong mag-pose para sa Ginebra calendar kaya doble ang excitement ko,” ani Anne. “Bale Christmas gift ko na ito sa aking mga fans sa walang sawa nilang pagsuporta sa akin,” dagdag pa ng Fil-Australian actress.

MAJA SALVADOR FRIENDS LANG ANG TURING KAY JASON ABALOS

Madalas magkapareha sa pelikula at TV shows  sina Maja Salvador at Jason Abalos pero purely friendship lang ang turingan nila sa isa’t isa kaya maganda ang chemistry ng dalawa, na ilan lang sa mahuhusay nating artista sa kanilang henerasyon.

Muli silang magsasama sa indie movie na “Thelma”. Kasalukuyan nilang ginagawa ito sa direksyon ni Paul Soriano. Kasama rin ng dalawa si Elma Muros, yes ang  pride ng Philippine sports pagdating sa takbuhan at recently naging castaway sa “Survivor Philippines Celebrity Showdown”.

Ani Maja, love interest siya rito ni Jason. Wala namang ligawan na nangyayari sa set. If ever na ligawan si Maja ni Jason? Ngumiti lang si Maja.

Sa naturang pelikula, sponsor ni Maja ang Adidas, ganu’n din ang  Philusa, the maker of Babyflo, Cleene Facial Tissue, Alcohol gel hand sanitizer, and others. Joe Cezar

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply