Anti-RH Bill solons may ‘dirty tactics’

INAKUSAHAN ng isang kongresista ang ilan nitong kasamahan sa paggamit ng sari-saring “divertionary tactics” upang pigilin ang pag-usad ng Reproductive Health Bill at pagpapatibay nito sa plenaryo ng Kamara de Representantes.

Tinukoy ni House Assistant Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin ang paulit-ulit na pagtatanong ni Deputy Speaker Pablo Garcia sa mga resource person na inimbitahan ng Kamara para hingan ng komento hinggil sa panukala.

Dahil dito ay tumatagal umano ang proceedings.

Gayunman ay naniniwala ni Garin na aaksyunan ni Rep. Rogelio Espina, chairman ng House committee on population, ang apelang pagtibayin ang RH Bill matapos marinig ang mga posisyon ng mga resource person.

Aniya, posibleng sa unang buwan ng darating na taon ay nasa deliberasyon na ito sa plenaryo. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply