Antique, niyanig ng magnitude-3.9 quake

ISANG magnitude-3.9 na lindol ang yumanig sa probinsiya ng Antique nitong 7:15 ng umaga ng Sabado ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang lindol na tectonic ang origin ay naramdaman sa lakas na intensity III sa Anini-y.

Ang epicenter nito ay natagpuan 13 kilometro southwest ng nasabing bayan sa Antique.

Walang nasaktan o nasirang ari-arian dahilan sa nasabing pagyanig.

Wala ding inaasahang aftershock, ayon sa Phivolcs.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply