Apela sa mga solon: Magsipasok kayo!

UMAPELA si Cagayan Rep. Juan Ponce Enrile, Jr. sa mga kasamahang mambabatas na magsipasok sa nalalabing araw ng sesyon upang matiyak na maipapasa ang Amnesty Proclamation ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ang panawagan ay ginawa ni Enrile sa kaniyang privilege speech matapos pagtibayin ng Senado ang naturang proklamasyon kamakalawa.

“Isang regalong di natin dapat ipagkait sa ating kapwa Pilipino ang pagpasa nitong Amnesty Proclamation na ito,” ayon kay Enrile.  “Unang Pasko nila ito sa kani-kanilang pamilya.”

Aniya, kailangang masiguro ng liderato ng Kamara ang korum upang mapabilis ang pagpapatibay dito ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Tinukoy ng mambabatas ang isang Cristina Ignacio Antonio, 31, na dating nasa Dean’s List sa UP College of Law ngunit kailangang tumigil sa pag-aaral upang magtago.

“Tintin is a Cagayano and her family has already suffered in all these events and trials,” ayon pa kay  Enrile.   Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply