Asawa tepok din: Makati City Judge patay sa aksidente

ISANG Makati City judge ang namatay kasama ang kanyang asawa makaraang mabunggo ng bus ang kanilang sinasakyan sa n Quezon City, madaling-araw ng Lunes.

Dead-on-arrival si  Judge Reynaldo Laygo sa General Hospital, Quezon City habang  binawian ng buhay ang kanyang asawa na si Leila sa East Avenue Medical Center, naturang lungsod.

Batay sa report ng dzBB, ang driver ng bus na nakilala sa inisyal na imbestigasyon na Generoso Maganti Jr.,  asy sumuko matapos ang insidente.

Ayon kay Maganti na nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting in double homicide, madulas ang kalsada kaya nahirapan siyang kontrolin ang kanyang pagmamaneho.

Batay din sa report ng dzBB , suspendido rin ang Corimba bus firm ng 30 araw na ipinataw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bunsod ng insidente.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, sakay ang mag-asawa sa two-door Mitsubishi mini-Pajero papalabas ng Don Jose Subdivision bandang 5:00 a.m. nang mabunggo sila ng naturang bus.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply