Asset lang ng CIDG pero grabe kung manibasib

ANG super talim na ‘asset’ ng Criminal Investigation and Detection Group na nakabase sa Daet, Camarines Norte ay daig pa ang double blade kung mandelihensiya ng mga kailigalan sa lalawigan.

Ibang klase ang ‘asset’ na ito ng CIDG-Camarines  Norte. Kahit may 4 na kaso itong robbery/hulidap sa Naga City, ginawa pa rin siyang tong-collector  sa mga kailigalan ng CIDG.

Ewan natin kung alam ito ng ating kaibigan na  si CIDG chief Gen. Nilo dela Cruz.

Gen. Dela Cruz basahin ninyo ang reklamo sa text message.

Sir Johnny, dito sa Magallanes, Ilaod St., Brgy1 Purok 8 Daet, Camarines Norte, itong si Reynante Lozano alyas Nante ay may kasong 4 robbery/hulidap sa Naga City.

Pero ginawang ‘asset’ ng CIDG..

Eh alang ginawang mabuti kundi puro delihensiya sa mga tulak ng shabu at tagakuha  pa ng mga lagay sa mga Muslim na nagtitinda rito.

Kung hindi magbibigay ang mga Muslim, tinatakot nito na ipahuhuli sa CIDG.

Tinatakot din ni Nante ang mga nagpapatupada.

Walang ipinagmamalaki kundi hawak daw siya ng mga CIDG. Eh baka dumating ang araw na si Nante na ang maging CIDG at ang CIDG ang maging “asset.”

Wag po sana dahil kahit paano ay may natitira pa kaming tiwala sa mga CIDG..

MGA VK OPERATOR DI TAKOT SA PNP

Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng mga videokarera sa  Laguna.

Buong tapang at hindi man lang natakot kay Laguna PD Sr/Supt. Gilbert Cruz itong sina Boy Decena at ang pakner nitong si Mon sa kanilang mga videokarera sa Biñan.

Sa San Pablo naman, hindi rin nagpapaawat sa pagpapalaganap ng mga VK  itong si Bombay.

Ganundin sa Sta. Cruz na halos todo nang inilatag ni Umbay Putol ang lahat ng kanyang mga VK. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply