Aviation authority, may bagong boss na

TINANGGAP na ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibitiw sa puwesto ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Executive Director Alfonso Cusi.

Nagbitiw si Cusi sa puwesto bagama’t may apat pang taong nalalabi sa kanyang termino.

“His replacement is acting OIC (officer-in-charge) Ramon Gutierrez. We welcome the resignation of Al Cusi. Now we can move faster in getting our country out of Category 2,” ani presidemtial spokesperson Edwin Lacierda nitong Miyerkules.

Matatandaang noong 2008, bumaba sa Category 2 mula Category 1 ang grado ng Philippine airports sa US Federal Aviation Authority. Ito ay dahil daw sa kawalan ng kakayahan ng Pilipinas na makasunod sa international airport safety requirements.

Sa parehong taon, pinagbawalan din ng Air Committee ng European Union na lumipad ang mga sasakyang panghimpapawid ng Pilipinas sa mga bansa sa Europa.

Si Gutierrez ay kasalukuyang deputy director general ng CAAP. Itinalaga siya sa nasabing puwesto ni Aquino noong nakaraang Nobyembre.

Sa kanyang resignation letter, sinabi ni Cusi na napilitang siyang magbitiw sa puwesto matapos mapulitika ang kanyang posisyon.

Ipinagmalaki naman ng nagbitiw na opisyal ang kanyang mga ginawang reporma sa CAAP.

Magiging epektibo ang resignation ni Cusi nitong Disyembre 31. Johnny F. Arasga

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply