Azkal nilusob sa Tacloban

TALAGANG sikat na sikat na ang Philippine Football Team na Azkals matapos silang dumugin ng fans habang nag-eensayo at nagtuturo ng football sa Tacloban.

Ito’y matapos piliin ng team na sa Tacloban gawin ang kanilang ensayo bilang paghahanda sa susunod nilang laban.

Ang kanilang team manager na si Dan Palami ay taga Tacloban.

Matatandaang sumikat ang Azkals matapos makapasok sa semi-finals sa katatapos na Suzuki Cup sa Vietnam.

Dumating sa praktis  ang magkapatid na Phil at James Younghusband.

Game na game namang nakipaglaro ang team sa local players habang pinagkaguluhan ng mga fans.

Nagbigay pa ng football clinics ang team members bilang bahagi ng kanilang pasasalamat sa ibinigay na suporta sa kanilang mga laban.

Maghahanda na rin ang Philippine Azkals sa qualifying sa World Cup at sa Challenge Cup sa Bacolod sa buwan ng Pebrero.

Samantala, ang magkapatid na Younghusband ay nagtayo na rin ng Football Academy sa Metro Manila na siyang magbibigay ng training sa mga physical education (P.E.) teachers na magtuturo naman sa mga estudyante.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply