Azkals vs Indo sa football semis

SUPER DEPENSA!

Ito diumano ang magiging secret weapon ng Philippine Football Team na Azkals sa oras na makaharap nito ang team Indonesia sa semi-finals ng AFF Suzuki Cup sa Disyembre 16 at 19 sa Jakarta, Indonesia.

“Malakas at disiplinadong depensa pa rin ang gagamitin namin laban sa malakas na koponan ng Indonesia dahil ito ang dahilan kung bakit nakatabla sila sa 3-time champion Singapore at Myanmar at tinalo nila ang defending champion Vietnam,” ani British coach Simon McMenemy.

Idinagdag pa ni MCMenemy  na ito umano  ang brand of play ng PHL Team at napatunayan na nila na ito ay epektibo kaya’t hindi na nila babaguhin pa ang kanilang estilo kahit na may mga nambabatikos sa kanila.

Nauna rito, binatikos ng Portuguese coach ng Vietnam ang estilo ng Pilipinas pagkatapos na matalo sila 2-0 sa qualifying match dahil wala daw itong opensa at puro depensa lang ang ginagawa kung saan walo sa players nito ang nakaposte sa malapit sa goal at tsambahan na lang kung makahawak man ng bola.

Ayon pa sa coach ng Vietnam na hinding-hindi magkakampeon ang Pilipinas kung ganitong estilo pa rin ang kanilang gagamitin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply