Badyet lalagdaan ni PNoy

NAKATAKDANG lagdaan ngayong araw ni Pangulong Benigno Aquino III ang P1.645-trillion national budget.

Sinabi ni Budget Secretary Butch Abad na alas-10 ngayong umaga ay lalagdaan ng presidente ang 2011 national budget.

Ayon sa kalihim, nakuha na nila ang enrolled copy ng budget matapos malagdaan ni Senate President Juan Ponce-Enrile.

Labis namang ipinagmamalaki at ikinatuwa ng Malakanyang ang maagang pagkakapasa ng tinatawag nilang “reform budget” dahil tamang-tama ito sa pagsisimula ng bagong taon.

Sa ulat, tinatayang 13 items sa P1.645 trillion 2011 national budget ang nais i-veto ng DBM. Ani Abad resulta ito ng kanilang ginawang review sa enrolled copy mula sa Kongreso.

Aniya, ito ay rekomendasyon lamang at nasa pangulo pa rin ang pinal na desisyon kung aaprubahan ito.

Una rito, sinabi rin ni Abad na nagsasagawa na ng koordinasyon ang Department of Budget and Management, partikular sa tanggapan ng Public Works, Transportation and Communication, Agriculture, Education, Health and Social Welfare and Development.

Ang naturang mga ahensya ang magdadala sa mga pangunahing infrastructure projects o tinatawag na social protection programs ng administrasyon.

“Maagang maipapasa ang 2011 Reform Budget, kaya naman dapat maaga rin namin itong mauumpisahan,” ani Abad.

Sa naturang mga pulong ay bubuuin ang isang budget execution strategy para maging maaga at maayos ang implementasyon ng mga nakalaang pondo. Kris Jose

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply