HIV cases tumaas ng 40% nitong Nobyembre

TUMAAS ng 40 porsyento ang bilang ng mga nabibikitima ng HIV (human immunodeficiency virus) sa Pilipinas, kung saan overseas Filipino workers (OFW) ang nangunguna sa mga bagong kasong naitala ng gobyerno.

Ito ang nakalap na impormasyon ni LPGMA party-list Rep. Arnel Ty mula sa National AIDS Registry.

Aniya, ang 40 porsyentong pagtaas ay naitala nitong Nobyembre 2010 kung saan nagkaroon ng 112 kaso kumpara sa parehong buwan noong 2009 na may 80 kaso lamang.

Sa unang 11 buwan ng 2010, umabot na umano ng 135 ang bilang ng blood units na contaminated ng kinatatakutang virus.

“The growing number of new HIV cases and donated blood units found contaminated betrays the creeping spread of the disease in the country,” ani Ty .

Walo sa labing isang bagong natuklasang kaso ng HIV ay pawang mga OFWs, ayon kay Ty.

“It would be sensible for us to spend a lot more for preventive education now to reduce the future human suffering due to HIV/AIDS, and avoid the potentially larger costs associated with the treatment of more patients,” anang mambabatas. Meliza Maluntag

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply