Bagong testigo sa Dacer-Corbito case, lulutang

MAY panibagong testigo umano na ihaharap na posibleng magdiin kay Senador  Panfilo Lacson kaugnay sa kaso ng Dacer-Corbito  double murder case.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, isa sa mga private lawyer sa kaso, ang testimonya ng nasabing testigo ay magpapatibay sa mga naunang testimonya ni dating police Col. Cesar Mancao.

Partikular na tinukoy ni Topacio ang testimonya ni Mancao  na nagsasabing  narinig nito ang pag-uusap nina Lacson at dating police Col. Michael Ray Aquino na likidahin na si delta na code name umano ni Bubyy Dacer.

Tumanggi naman si Topacio na magbigay ng iba pang pagkakakilanlan ng nasabing testigo sa pakiusap narin ni Justice Secretary Leila de Lima dahil on going pa umano ang proseso para sa aplikasyon nito sa witness protection program (WPP).

Nakapaghain na rin umano ng sinumpaang salaysay ang nasabing testigo at ang korte na ang bahalang tumimbang sa magiging testimonya nito. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply