Bagyong papasok sa bansa, posibleng magdulot ng pagbaha at landslide

ISANG bagyo ang nakaambang pasukin ang bansa na posibleng magdulot ng pagbaha at pagkakaroon ng landslides sa parte ng Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, Lunes.

Ayon sa PAGASA forecaster Ben Oris, namataan ang low-pressure area (LPA) sa 140 kilometro (km) southeast ng Zamboanga City bandang 2 a.m. at may codename na “Luis” kung saan may tsansang maging bagyo.

“May tsansa maging bagyo ito. Sa ngayon ito ay  nasa inter-tropical convergence zone,” ayo kay  Oris sa isang panayam sa dzBB.

Ayon pa kay Oris, ang naturang na may kaakibat na  intertropical convergence zone (ITCZ) ay makakaapekto sa Mindanao kung saan nag-landfall na ito umaga ng Lunes.

“Visayas and Mindanao will have mostly cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms becoming cloudy with widespread rains over Mindanao which may trigger flashfloods and landslides. The rest of the country will be partly cloudy to cloudy with isolated light rains,” batay sa 5:00 a.m. bulletin ng PAGASA.

Dagdag pa ng PAGASA, mararanasan ang malakas na ihip ng hangin galing sa northeast .

Kaugnay nito, pinapayuhan ng PAGASA ang mga fishing boats at mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang maglayag habang ang mga malalaking sasakyang pandagat naman ay pinapayuhang mag-ingat sa mga malalaking alon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply