Banggaan sa pondo, tumitindi sa Kongreso

Habang tumatagal, tumitindi ang banggaan ng dalawang kapulungan ng Kongreso hinggil sa sari-sarili nilang badyet matapos magpalitan ng patutsada ang ilang mambabatas sa tinalakay na pambansang badyet.

Pinabulaanan ni Sen. Franklin Drilon na dinagdagan ng Senado ang sarili nitong pondo na siyang inirereklamo ng dalawang kongresista matapos kaltasan ng badyet ang ilang line agencies ng pamahalaan.

Ayon kay Drilon, chairman ng Senate committee on finance, walang katotohanan ang paratang nina Zambales Rep. Mitos Magsaysay at House Deputy Minority leader Danilo Suarez na dinagdagan ng Senado ang sarili nitong pondo.

Inirereklamo nina Magsaysay at Suarez na dapat hindi kinaltasan ang pondo ng Department of Transportation and Communications (DOTC), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Finance (DOF), ngunit tinaasan ang Senado.

“We are placing the budget of the Senate at the level of 2010. There is no increase. In other words, what is the budget of today is also the budget for next year,” ayon kay Drilon.

Hindi nagustuhan ang pagbubunyag nina Magsaysay at Suarez sa media na dinagdagan umano ng Senado ng mahigit P400 milyon ang sarili nitong pondo mula sa kinaltas na badyet sa tatlong kagawaran sa kabila nang 21 lamang mula sa 24 senador ang nanunungkulan ngayon.

“I already explained it to you that we are just putting the budget of the Senate to the same level as it is in 2010,” giit ni Drilon. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply