3 Canadian, 2 Pinoy ligtas sa sea mishap

ISA bangka na may lulang tatlong Canadian at dalawang Pilipino ang lumubog malapit sa Lucap Wharf sa Alaminos, Pangasinan nitong Linggo, December 26.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), mag-aalas-dos ng hapon nang mangyari ang insidente.

Papunta sana ang mga pasahero sa Hundred Islands National Park.

Nailigtas ng PCG ang mga pasahero na kinilalang sina:

  • Garret Brisdon, 56, Canadian
  • Merina Brisdon, 57, Canadian
  • Jayce Brisdon, 25, Canadian
  • Mildred Dela Cruz, 26, Filipino
  • Eleazar Baniqued, boat operator, Filipino

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply