Banking rules, gawing pang-masa

IMINUNGKAHI ng isang mambabatas sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na lumikha ng mga alituntunin ukol sa banking system na mauunawaan kahit ng mga ordinaryong Pilipino na nagnanais na lumahok sa pagnenegosyo o mag-impok sa bangko.

Sa kaniyang liham kay BSP Governor Amando “Say” Tetangco, sinabi ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na maraming nagnanais mangutang sa bangko ang walang sapat na kaalaman sa kalakaran sa industriya tulad ng interest charges.

Ayon sa mambabatas, dumarami ang mga mamamayan na nagnanais na mangutang sa bangko upang ipang-negosyo dahilan na rin sa aktibong ekonomiya ng bansa.

Aniya, mas maraming magtutuloy sa kanilang balak na magnegosyo kung magiging malinaw kung anong loan ang maaari nilang i-avail tulad halimbawa ng mga gustong pumasok sa agribusiness at sa mga bumalik na overseas Filipino workers na gustong ipuhunan ang naipon nilang pera. Meliza Maluntag

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply