Bansa, magiging maulan ngunit walang bagyong darating

MAGIGING maulan ngunit wala nang mararanasang bagyo ang bansa sa pagtatapos ng taong 2010.

Ayon kay the Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical forecaster Elvie Enriquez, walang nakikitang senyales na may papasok na bagyo sa bansa hanggang matapos ang kasalukuyang taon.

“I think a cyclone entering the country this month is unlikely,” ayon kay Enriquez sa isang panayam sa dzBB.

Matatandaang nag-anunsyo ang PAGASA na may posibleng pumasok na dalawang bagyo sa bansa bunsod ng malamig na panahon sa parte ng norte.

“Uulan lalo na at may La Niña ngayon. Ang weather system na hindi naghahatid ng ulan ngayon ay nakakapagdulot na rin ng pag-ulan,”  dagdag pa nito.

Samantala, sa kasalukuyan (Huwebes), maaapektuhan ang Central at Southern Luzon ng tail-end ng cold front habang ang intertropical convergence zone ay makaaapekto naman sa Mindanao.

“Northern Luzon will experience mostly cloudy skies with scattered rains while Central and Southern Luzon, Visayas and Mindanao will have mostly cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms becoming cloudy with widespread rains over Bicol Region and Eastern Visayas, which may trigger flashfloods and landslides,” dagdag pa ng PAGASA.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply