Bantay-salakay bantayan sa P21B CCT ni Dinky Soliman

PAPAANO nga ba gagastusin ni Department of Social Welfare and Development secretary Dinky Soliman ang kanyang P21 bilyong conditional cash transfer?

Tayo’y nagtatanong makaraang maaprub widawt tingking sa Kongreso ang nasabing pondo.

Higit dito, hindi natin maiwasan ang kabahan sa iniisip ni Manang Dinky kung saan, paano at kanino nito talaga gagastusin ang P21 bilyong conditional cash transfer nito.

Tingnan ninyo, may alok siyang P50 mil sa bawat barangay na makapipigil sa pamamasko at pamamalimos ng mga bata sa lansangan.

Eh kung maisipan ng lahat ng mga barangay sa Metro Manila na gumawa ng pain, di ubos ang P21B ni Dinky!

Por eksampol, kahit na walang batang lansangan o “sea urchins” kung tawagin sa isang lungsod, malamang na magpapalabas yung mga sutil na barangay opisyal ng mga bata para lang kumalat sa lansangan.

May tatawag naman ngayon sa pansin ng mga taga-DSWD.

At dito na magbibigay si Madam Dinky ng P50 mil sa mga barangay opisyal para mawala ang mga batang lansangan?

Paano kung paulit-ulit ang saytings sa mga batang lansangan, huh?

Eh di paulit-ulit din ang pamimigay ni Manang Dinky ng P50 mil kina tserman!

oOo

Subukin lang ni Madam Dinky ang gumawa ng sampol, kakalat ang balita na parang apoy sa buong repablik ni Juan.

Ngayon, Suki, paano kung maisipan ng 42,000 barangay na mag-ingay sa lansangan sa pamamagitan ng mga paslit na namamalimos, nagtitinda ng kendi at sampagita, naglalangoy sa mga kalsada tuwing may ulan at kung ano-ano pa, todas na yang P21B CCT.

Beri kreetib, Suki, ang maraming tserman sa kung paano sila magkapera.

Mabuti kung para talaga sa buong barangay ang pupuntahan ng mga pabuya na yan.

Eh kung tsatsaptsapin na lang nila saka ibulsa, ano ngayon ang mangyayari sa pondong pinaghihirarap ng lahat na isampa sa kaban ng bayan para naman sana pakinabangan ng mabuti ng lahat.

Pero hindi lang ito ang problema.

Tiyak namang makikialam ang mga lokal na opisyal sa “devolved” nang mga trabaho ng DSWD, kabilang na ang pagpili ng mga mahihirap na mamamayan na target ng CCT.

Dito gagana ang “pagtuturo” nina mayor kung sino-sino talaga ang mga mahihirap tulad ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

Hindi tayo magtataka, Suki, kung isang araw ay bubulagain na naman tayo ng mga multo o pekeng mga benepisiaryo.

Ito’y sa basbas ng mga kapitan at meyor.

Eh kung magturo rin ang mga kongresman at senador ng kanilang mga proyekto na pangmahihirap na kagaya ng target ni Manang Dinky, makatatanggi ba ang DSWD?

Remember na tiyak na tatanaw ng utang na loob si Manang Dinky sa pag-aprub ng mga kongresman at senador sa badyet na yan.

Alalahanin ding higit na marunong magturo ng mga proyekto ang mga kongres-man at senador kaysa sa mga kapitan at meyor.

Kumikita ng malalaking kikbak ang mga onorabol sa kanilang “turo-turo” na yan. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply