Bar exam gawing multiple choice — Rep. Rodriguez

Upang mabigyan ng isa pang tiyansa ang mga bumagsak sa bar exams, ipinanukala ng dalawang mambabatas ang dalawang taong suspensyon sa ipinapatupad na pamamaraan sa pagbibigay ng eksaminasyon.

Sa House resolution 649 na inihain ng makapatid na Reps. Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro City) at Maximo Rodriguez (Abante Mindanao party list), pinapapalitan nito ang pamamaraan ng exams sa bar.

Sa halip na essay question na kasalukuyang siyang ipinapatupad sa walong bar subject exams ay dapat na gawin na lamang itong multiple choice format.

“The Supreme Court should give previous examinees who didn’t make it another chance and to take advantage of the multiple choice  questions,” anang mambabatas.

Sa “five-strike rule,” batay na rin sa mandato ng Bar Matter No 1161 na may petsang June 8, 2004, na ang isang bar candidates na bumagsak ng limang beses pataas sa bar examinations ay papayagan ulit makakuha ng isa pang exam pagkatapos kumuha ng one-year refresher course.

Sinabi ni SC Chief Justice Renato Corona na simula sa susunod na taon, magpapatupad ang SC ng mga pagbabago sa examination format.

Ang exam aniya ay hahatiin sa dalawang bahagi, ang una ay multiple choice kung saan ang mga examinees ay makakapili sa apat-5 sagot at essay-type para matignan ang kanilang “reasoning, writing and logic abilities.”

Ayon naman kay Rodriguez, ang bagong format ay mag-aalis sa disadvantage ng mga examinees tulad ng poor handwriting at limitadong English communication skills.

“Due to the number of examination booklets that each examiner has to correct, it cannot be denied that the handwriting of the examinee would play a part in the correction of the booklets. Even if the examinee knows the answer, he would receive a low grade because the examiner cannot read his handwriting,” paliwanag nito.

Idinagdag pa ni Rodriguez na mas talo ang mga examinees na galing sa probinsiya dahil nahihirapan sila na magpahayag ng sagot sa perfect English.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply