Barilan ng photog, pulis iimbestigahan ng NBI

PINASOK na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-iimbestiga sa naganap na barilan sa pagitan ng Abante photojournalist at tauhan ng Manila Police District (MPD) sa kanilang tahanan nuong Biyernes ng gabi na nagresulta ng malubhang pagkasugat ng isang pulis Maynila sa Sampaloc Maynila.

Nagsagawa kahapon ng occular inspection ang nasabing kagawaran sa bahay ni Jasper Barcelon, 28, para maimbestigahan ang mga tama ng baril na tumagos sa loob ng kanilang bahay sa S.H.Loyola st., Sampaloc,  Maynila.

Nabatid na dumulog si Barcelon sa NBI upang magkaron ng patas mna aimbestigasyon sa kanyang kaso  dahil na rin sa pagkakasugat ng kanyang tatay na si Roberto Barcelon na may tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan at nang pulis na si PO3 Arthur Martinez na nakatalaga sa Manila Police District Mobile Police Unit na hanggang ngayon ay inobserbahan pa sa UST Hospital.

Una nang nagpahayag ng pangamba ang pamilya ni Barcelon na magkaroon ng “whitewash” sa imbestigasyon dahil pulis ang naging biktima sa nabanggit na insidente.

Samantala,pinalaya kahapon ng alas 4 ng umaga ni P/Chief Insp. Marcelo Reyes,hepe ng MPD-General Assignment Section (MPD-GAS) si Barcelon dahil na rin sa kakulangan ng ebidensiya.

Ayon kay Reyes,hihintayin na lang muna niya ang Scene of the Crime Operation (SOCO) report kaugnay sa naganap na insidente.

“Ini-release ko si Barcelon dahil gusto kong maging patas ang imbestigasyon, gusto kong pumagitna sa pagitan ng magkabilang panig, para hindi naman ako maipako sa krus”,ayon kay Reyes.

“Hindi naman komo ni-release si Barcelon ay tapos na ang kaso, simula pa lang ito ng masusing imbestigasyon”, dagdag pa ni Reyes.

Nalaman na hinihintay pa ni Reyes ang SOCO report na magpapakita sa posisyon ng mga bala na sinasabing tumama sa bahay  ni Barcelon.

Biyernes ng hatinggabi nang ratratin ng mga nagpakilalang pulis ang bahay ni Barcelon matapos na makasagutan ng nakababata nitong kapatid na si Jayson ang isang lalaki na naaktuhan niyang umihi sa kanilang gate.

Nagkaroon naman ng magandang pag-uusap sa pagitan ng magkabilang panig subalit biglang may nanulsol at bumato ng bote ng alak mula sa grupo ng mga lasing na kalalakihan at nang-urot sa umano’y mga pulis na nag-iinuman sa isang lamay sa tapat ng bahay ng mga Barcelona. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply