Barilan ng reporter at mga pulis, 2 sugatan

DALAWA ang sugatan sa palitan ng putok ng mga pulis at isang tabloid photojournalist sa Maynila, madaling-araw ng Biyernes.

Ayon sa report, naganap ang barilan sa mismong bahay ng Abante photojournalist na si Jasper Barcelon sa 1409 SH Loyola St kanto ng MF Jhocson Sts Sampaloc, Maynila.

Isinugod sa hospital ang ama ni  Jasper na si Roberto makaraang tamaan ng bala habang dinala naman sa University of Santo Tomas Hospital si PO3 Arthur Martinez para malunasan nang tamaan din ng bala ng baril.

Batay sa inisyal na report, nakita ng kapatid ni Jasper na si Jason na umiihi sa kanilang bakuran si Martinez at PO1 Arnul Gregorio kaya sinita niya ito.

Ang dalawang pulis na hindi nakasuot ng uniporme nang mga oras na iyon, ay naglabas ng kanilang mga baril at sinimulang barilin ang bahay ng mga Barcelon.

Depensa pa n ni Jasper, napilitan siyang gumanti ng putok dahil sa hindi maawat na pamamaril ng mga pulis kung saan tinamaan si Martinez.

Sa imbestigasyon, 18 bala ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng bahay ng pamilya Barcelon na nakaligtas lamang matapos na makapagkubli sa mga kahoy sa kanilang bahay at sa CR na kongkreto ang pagkakagawa.

Napag-alaman na nakikipaglamay ang mga pulis sa naturang lugar at kung saan din sila(mga pulis) ay sinasabing nag-iinuman.

Nabatid na tanging si Barcelon lamang ang lumantad habang ang kasamahan ni Martinez ay hindi pa nagpapakita sa mga otoridad.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply