Barrios umayaw kay Morales

UMAYAW na si dating world champion Jorge “La Hiena” Barrios sa kanyang laban kay three-time world champion Erik “Terrible” Morales para sa WBC super lightweight silver crown sa Tijuana, Baja California, Mexico.

Nabatid na may kasong kriminal ang boksingero sa Argentina at hindi pumayag ang hukom na may hawak ng kaso na bumiyahe ito sa ibang bansa.

Dahil sa pangyayaring ito ay pinalitan na lamang si Barrios ni Dominican Francisco Lorenzo (35-8, 16 KOs).

Matatandaan na si Lorenzo ay isa sa mga tumalo kina Humberto Soto, Nate Campbell at Cristobal Cruz.

Lumahok na rin siya kay Jorge Linares kung saan natamo niya ang majority decision ngayong taon.

Nais ni Morales na siya ang magiging kauna-unahang magpapasuko kay Lorenzo sa ibabaw ng ring.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply