Batanes nilindol

NIYANIG ang Batanes na may magnitude-3.8 sa Northern Luzon bago maghatinggabi ng Martes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol bandang 11:09 p.m. , Martes, na may tectonic origin.

Ayon sa bulletin ng Phivolcs, natagpuan ang pagyanig sa may epicenter sa 65 km northwest ng Basco, Batanes.

Hindi naman agad naitala ang intensity nito.

Walang naitalang aftershock, at wala ring napinsalang ari-arian.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply