Bell’s palsy

NARINIG mo na ba ang salitang bell’s palsy? Honestly, hindi rin ako pamilyar sa salitang ito hanggang sa ako mismo ang naging biktima nito.

Pebrero 19, 2009 laking gulat ko nang makita ko sa salamin paggising ko na ‘deform’ na ang kabilang bahagi ng mukha ko.  Dahil hindi ako makapaniwala, ilang beses kong minasahe ang mukha ko pero bumabalik talaga sa pagka-ngiwi o tabingi.

Sumagi sa isip ko na baka mild stroke ang nangyari sa akin pero hindi naman namamanhid ang alin man sa bahagi ng katawan ko maliban sa bahagi ng pisngi na apektado.  Pinilit kong mag-report pa rin sa National Press Club (NPC) noong araw na iyon dahil may kailangan akong tapusin.

Kapansin-pansin na tumatapon ang tubig na iniinom ko at pagkain na isinusubo ko.  Nang mapansin ko na konti na ang tao sa NPC, halos bulungan ko si Lui Logarta, NPC board secretary at sinabi kong medyo namamanhid ang kabilang pisngi ko.  “Gaga, anong namamanhid.  Nangiwi ka na Day.  Na-stroke ka!,” halos pasigaw nito.  Yung sigaw niya na yun narinig ni NPC Director Jerry Yap na ngayo’y Presidente na at agad na bumaba ng gusali at kumuha ng gamot na at ipinalagay sa ilalim ng dila ko.  Akala niya mataas ang presyon ko nun.  Ilang sandali dumating naman si ex-NPC President Benny Antiporda at biglang nag-utos sa NPC staff na ihatid ako sa pinakamalapit na hospital.

Agad akong sumailalim sa city scan para malaman kung nagkaroon ako ng ‘blood clot’ at kung meron na-stroke nga ako.  Matapos ang isang oras, lumabas ang resulta, negatibo sa blood clot at dun ko nalaman na tinamaan ako ng “Bell’s palsy”.

Anu-ano ang sanhi ng ‘Bell’s Palsy’?

Ang bell’s palsy ay  “idiopathic facial paralysis” o pansamantalang pagkaparalisa ng mukha.  Kinuha ang salitang bell’s palsy sa Scottish anatomist na si Charles Bell,

“Bell’s palsy is the most common acute mononeuropathy (disease involving only one nerve) and is the most common cause of acute facial nerve paralysis,” paliwanag nito.

Ayon sa aking neurologist gayundin kay Dr. Edwin Arellano Bien, Wellness and Integrative Medicine Specialist, isa sa pangunahing sanhi nito ay stress.  Siya bilang isang doktor ay biktima din ng bell’s palsy noong 2007.

“It’s a neurological problem wherein the facial nerve…the cranial nerve no.7 as they call it coming from the brain as it exit the skull… naiipit siya sa may temple sa likod ng leeg…dahil namamaga siya, naiipit.  Napaparalisa yung branches niya …eh ang branches niya goes to the face…may papunta sa noo…paunta sa eyelid, sa pisngi, sa bibig, sa baba,” paliwanag ni Dr. Bien.

“Sa mata ang naapektuhan ng bell’s palsy.  Yung eyelid nerve …pero that can happen kung elderly na ang pasyente… like diabetic siya…hypertensive siya.  Mas common magkaroon nito yung mga dating may sakit …yung mag may edad na….diabetic, may cancer…also very common ito sa mga taong maraming iniinom na gamot…yung ashmatic siya…maraming iniinom na gamot.”

Dahil sa kaniyang hectic schedule, lagi siyang nagmamadali at halos wala na rin sa ayos ang kaniyang pagkain pati lifestyle.

“Yung pagiging stressful talaga ng buhay ko na nagmi-miss ng lunch, nagagalit sa mga staff ko, kumakain ako ng burger at hotdog kapag wala akong nakikitang ibang pagkain.  Pati trabaho dala sa bahay,” ani Bien.

“Rush…rush…too much deadline…too much expectation from yourself…kasi kailangan mag-succeed…kailangan must be better than the others.

Buti na lang bellspalsy…what if it was a real stroke or brain attack…lahat ng pinapangarap mo for nothing…sayang ang buhay….and it can happen to anyone.”

Ayon kay Dr. Bien, iba-iba  ang ‘severity’ ng bellspalsy.  May mga iba na  90 porsiyento na hindi makagalaw.  “Yung sa akin severe…I can’t close my eyes, I can’t chew, I can’t sleep dahil dilat ang mata ko…ang saliva ko tumutulo, ang leeg ko paralisado, and then ang feeling mo..malamig na malamig parang bangkay yung affected …hindi nagpo-flow ang blood…totally malamig siya…at yung isipan mo…you forgot everything…pati mga responsibilities  o…you feel pitiful para sa sarili mo…and hopeless.”

Lost memory back?  “Yung pagkakaroon ng bell’s palsy included na dun yung pagiging depressed …it’s depressive…yun bang ang feeling mo para kang na-stroked…ang bagal mong magsalita…ang bagal mong gumalaw…ang bagal mong mag-isip…It is true..at that moment ang feeling ko pasyente…hindi ko narealized na doktor ako… ganun kabigat….i was hopeless that time….kasi wala namang naibibigay sa akin na hope yung mga taga ka-fraternity ko pa naman na mga doktor sa mga malalaking hospital.  Sabi lang “ well…you made it well or u may not yet well.

In the mean time, take these steroids and maybe u can take B-complex at that time.”  So marami na akong nakitang nagkaganun na hindi na sila nakabalik..so ayaw ko nun…siyempre medical practitioner ako,” diin pa ni Dr. Bien.

Steroids

Dahil matindi ang dinanas na depresyon ni Dr. Bien, aminado siya na nagkulong siya sa kwarto ng isang  buwan mula nang tamaan ng bell’s palsy.

“Totally wala akong hinaharap na tao…that’s when I was taking nitong mga steroids na inireseta sa akin…nung matapos yung 1 linggo na nag-steriods ako…ang daming mga kumplikasyon.  I stopped the steroids…so ang ginawa ko…one  month later, sinimulan ko na itong rehabilitation ng sarili ko by myself using nitong natural herbs,” kwento pa ni Dr. Bien.

Bilang isang doktor, sandali niyang sinunod ang payo ng kapwa niya manggagamot na gumamit ng steroids.  Pero noong madiskubre niya na maraming kumplikasyon ang steroids makalipas ang isang linggo, itininggil niya ito at sinimulang gumamit ng natural herbs o halamang gamot.

“With herbal medicine…inabot ako less than a month…itinigil ko na yung synthetic medicines ko like steroids…it did not help plus it caused me complications…nangasim ako…bloated ang tiyan ko puro hangin…utot ako ng utot…ang ikinakatakot ko masira yung kidney ko…because steroids attack the kidney…naging moonface ang mukha ko…lumobo bcz of the steroids,” ani Dr. Bien.

“So naisip ko yung stress I can remove it by taking a vacation…yung depletion  from my nutrient..i know I can’t get it from my usual foods…kaya ang ginawa ko, nag-stock ako ng napakaraming halaman.  Isa sa naging paborito ko yung “yakon”…yun ang pinagkakakain ko…pinaka-chicklet ko..kasi napaka-ganda nun in regulating  sugar and lipid in the body…na napakahalaga…hilaw yun…yung root crop mismo ….u will chop it into cubes…u chew it …it’s wonderful…lasang matamis na singkamas… kung kaya mo rin lang bumili everyday then chop it …napakagandang exercise yun every weekend para sa lahat ng tao.”

Kasabay ng paggamit ng mga halamang gamot, hinanap din ni Dr. Bien ang pagpapagamot sa pamamagitan ng electrical apparatuses o ang mga tinatawag na electro-magnetic medicines.

Isa na dito ang ‘Body Energy Electromagnetic Synchronizer’ (BEES).

Ito ay imbensiyon ni    Engr.  Leonardo Serafin Pagapong Orijuela, Jr.

Nakatanggap ito ng WIPO Gold Medal sa Geneva noong 1993 para sa ‘Most Outstandding in vention sa daigdig. “The BEES detects and corrects electrical imbalances in the human body
and supplies negative ions together with electromagnetic fields of sufficient magnitude and direction that effectively helps to restore the body’s own inner healing power to maximum energy level, enabling the body to fight all  kinds of ailments incl. cancer, diabetes, pain, chronic inner conditions like asthma, auto immune diseases etc.,” ayon kay Orijuela sa panayam ng Remate Tonight.

“Naging interesado ako sa electro magnetic medicine…ginamit ko yan…3x a day for 30 minutes everyday for about 2 weeks bago ako nakakita ng magandang resulta,” ani Dr, Bien.

“Gusto ko yung massage…kaya lang naisip ko that time yung massage ang namamasahe lang hanggang muscle lang…ang namamasahe niya skin and muscle lang, a little of the nerve …what I want is to go deep hanggang sa kaila-ilaliman ng muscle…kailangan maabot ko yung mga nerve na nakatago sa loob ng buto…ang nakakaabot nun is only electricity…kasi iba-iba din ang severity ng bell’s palsy.  May mga iba talagang 90% hindi makagalaw.  Yung sa akin severe talaga.”

“Yung kaniyang electrical impulse ang nakaaabot doon sa deep nerve nakatulong.  Pag hindi ka naka-recover sa bell’s palsy na iyan in 6 months or one year, maliit ang tsansa mo na maka-recover.  Kaya kailangan habulin ko yun. Buti naman nahabol ko yun in 2 months time at nakabalik na ako sa aking TV program,” pagsasalaysay pa ni Dr. Bien.

Dahil dito, kagaya ko na isa ding biktima ng bell’s palsy, na-realized ko ang kahalagahan ng determinasyon lalo pa’t isa akong single parent.

“Kailangang bumalik sa normal ang buhay ko para sa mga taong umaasa sa akin at para din sa sarili ko.  Dapat na maging malakas din ang pananampalatay mo sa nasa itaas dahil siya ang may-ari ng ating buhay at dakilang manggagamot sa lahat.”

“Nag-change ako ng lifestyle.  You must have determination…wag kang mawawalan ng hope…at that time you will feel fearful…pero kailangan mayroon kang spiritual renewal…tinuruan ako ng relaxation thru meditation…malaking bagay yun…so wag laging magmamadali ha…yang laging nagmamamdali isa yan sa culprit ng bellspalsy,” diin pa ni Dr. Bien.

Sa huling bahagi ng panayam, ipinaabot ni Dr. Bien sa kaniyang kapwa mga kaibigang doktor: “
Masasabi ba na  nakagagamot sa cancer ang electrical machine?  “Kaming mga doktor, wala kaming masasabing anything can cure cancer, I can testify that it can help in cancer patients, kasi ang maitutulong niyan it can help the immune system.”

“Bilang medical doctor, very simple ang principle ng magnetic medicine …ang isang tao kapag namatay na…at tumigil na ang puso…ang ginagawa naming ay kinukuryente namin ang puso, then titibok ulit ang puso…kasi ang nagpapatakbo sa puso ay kuryente…ngayon huwag nating hintaying mamatay ang pasyente…halimbawa may sakit pa lang siya, yung puso niya gumagana pa pero mababa na ang kaniyang electrical current…so tulad ng isang cellphone, kapag na-lowbat ang puso, ang ginagawa naming mga doktor, hanggang tabletas lang ….bakit hindi kamukha ng cellphone…i-charge mo yung puso by attaching to an electricity ….so this is just like echarging electricity in your heart.”

Bakit ginagamit ni Dr. Bien ang BEES sa kaniyang mga pasyente?  “Kasi the United Nation and Switzerland as a country, has recognized it…so who am I as an ordinary doctor to not recognize it?…and as awarded it as a good invention.  Personally, I have tried it and it worked for me.  So kung ayaw i-prescribed ng ibang doktor, for my patients, I will prescribe it.”

Base sa naging karanasan ni Dr. Bien sa bell’s palsy, ipinaaabot nito ang kaniyang mensahe sa mga pasyente na:  “It’s for your to open your eyes.  Na ang kagalingan hindi mo lang makukuha sa mga gamot na mabibili sa botika.”

Para sa mga kapwa doktor:  “Do not forget that medicine is a dynamic science.  Let us not think that we know already everything when it comes to medicine.  There are new breakthroughs and technologies…kailangan bukas naman hindi lang ang mata natin kundi ang ating isipan at puso to accept it.  Dahil ang purpose natin secondary lamang…any income and recognition …ang primary talaga is to cause no harm to the patient and to offer the best care that we can,” paalala pa ni Dr. Bien. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply