Berto, hilaw vs Pacquiao

NILINAW kahapon ni Top Rank CEO Bob Arum na maituturing na hilaw pa sa karanasan si unbeaten WBC welterweight belt-holder Andre Berto (27-0, 21 KOs).

Kaya sinabi ni Arum na hindi pa ito maaaring itapat kay P4P king Manny Pacquiao lalo pa’t kulang pa ito sa exposure sa buong mundo.

Si Berto ang third candidate na ikinokonsiderang makakalaban ni Pacman na tinalo ni Sugar Shane Mosley matapos na mapili ang huli.

“Andre Berto is an excellent fighter. He’s a very, very nice young man. But he hasn’t had the exposure necessary to be in a major pay per view fight. That doesn’t say anything about his ability as a fighter. That doesn’t say anything about his character,” wika ni Arum.

“He’s an excellent fighter, and he’s a nice young man. But, other than the people who are really following boxing, they don’t know who Andre Berto is, and he never has been in with an ‘A’ class opponent, even on a non-pay- per-view fight.”

Samantala, kulang na lang ay sabihin ni Arum na makapal ang mukha ni Juan Manuel Marquez dahil umano sa sobrang laki ng demand na premyo nito.

Humihingi umano ang three-division champion ng $5 million guarantee habang tataga rin umano ito ng $5 per pay-per-view buy na higit sa 500,000, para sa $8.5 million total kung ang bout ay tatabo ng 1.2 million buys.

Dahil sa mabigat na financial demands, agad na umurong si Arum at mas piniling si Mosley ang makaharap ni Pacman sa May 7 (8 sa Pilipinas).  Gilbert Perdes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply