Best dressed female celebrity award kay Jennylyn, pampalubag-loob?

TULAD ng sabi ng mga hula, nanguna noong Kapaskuhan ang pelikulang Si Agimat at si Enteng with P31M at pumapangalawa ang Tanging Ina (Last Na To) with P20M at natupad ang wish ni Kris Aquino na pumangatlo ang Dalaw with P12.5M!

Mukha namang kumupas na ang golden touch ni Mother Lily dahil pang-apat lang ang Shake, Rattle & Roll 12 (P11.8M) at pang-anim naman ang Super Inday & the Golden Bibe (P4.7M). Dapat na bang ipahinga ng Regal Films ang SRR after 12 installments at gumawa naman sila ng ibang original concept na movie? Na-miss naman namin ang Mano Po series this year kaya absent din si Direk Joel Lamangan sa MMFF 2010!

Anyway natapos na ang MMFF awards at ang nanalong best picture ang Tanging Ina. Nanalo rin to ng walo pang awards including Best Actress (Ai-Ai delas Alas), Best Director (Wenn deramas), Best Supporting Actress (Eugene Domingo), Best Story, Best Screenplay, Best Musical Score, Best Child Performer at Gender Sensitive Film award. Dahil dito sigurado kaming dadagsain ngayon ng tao ang Tanging Ina sa mga takilya at malamang makahabol na ito sa Agimat at Enteng! Yan ang ating aabangan sa mga susunod na araw.

Tuwang-tuwa kami sa pagkapanalo ni Dolphy bilang Best Actor (Father Jejemon) at Best Supporting Actor (Rosario). Isang record ito sa MMFF dahil first time na nakuha ng isang aktor ang best actor at best supporting actor award in the same year! Dahil dito ay sigurado rin kaming makakabawi sa takilya ang Father Jejemon at Rosario sa takilya na noong Kapaskuhan ay parehong nangungulelat sa takilya. Magandang Christmas gift din ito kay Dolphy na sinasabing last hurrah na niya ngayon sa paggawa ng pelikula dahil madalas na siyang nagkakasakit ngayon.

Natuhog naman ng first Filipino 3D animation na RPG Metanoia ang 3rd Best Picture pati na ang Best Sound Recording at Best Theme Song. Sa palagay namin ay magi-improved rin ang earnings niyo sa takilya in the coming days! Samantala bokya pareho sa awards ang Dalaw at SSR 12!

***

Marami naman ang nagtataka kung bakit hindi man lang na-nominate sa Best Actress category si Jennylyn Mercado. At lalong maraming nagtaasan ng mga kilay na mas pinili pang i-nominate ng jurors si Marian Rivera dahil hindi naman daw pang-award ang pelikulang ginawa nito na Super Inday.

Marami rin ang nagprotesta sa pagkaka-isnab kay Albert Martinez sa Best Director category samantalang nanalong Best Second Picture ang Rosario. Ano ba raw talaga ang criteria ng MMFF 2010?

Bale lumalabas na pampalubog loob lang ang pagkapanalo ni Jennylyn bilang Best Dressed Female Celebrity. Although in fairness ang ganda ng suot na gown ni Jenn ng gabing ýun. Same with boyfriend Dennis Trillo na nanalo ring Best Dressed Male Celebrity. Aba, naisnab rin pala si Dennis sa Best Actor category at mas pinili ng jurors si Yul Servo na inominate as best actor sa Rosario.

Tulad nang nakaraang mga taon, siguradong talk of the town na naman ang MMFF awards this year. Buti na lang at walang tinanghal na concert ngayon after the awards night. Haaayyyy!!! Miss namin talaga ang golden days ng MMFF during the 70’s and 80’s kung saan puro kalidad na pelikula lang talaga ang isinasali at nagwawagi!

Poscript: Nakakaaliw makita ang mga sangkaterbang Kapamilya stars na lumabas sa Kapuso Network kasi sa GMA ginawa ang TV coverage ng MMFF 2010! Pwede na rin palang sabihin na unifying factor din ang MMFF sa network wars! Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply