Biktima ng paputok, umakayat na sa 201

UMAKYAT na sa 201 ang bilang ng firecracker-related injuries na naitala ng Department of Health (DOH) nitong Martes, tatlong araw bago sumapit ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ang datos ay batay sa Kampanya Kontra Paputok Survellaince update ng DOH mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 28, 2010.

Mas mababa pa rin umano ang nasabing bilang ng 20 kaso o 9 porsyento kumpara sa mga naitala sa kahalintulad na petsa nong 2009, ayon sa DOH.

Ang National Capital Region pa rin ang may pinakamaraming bilang ng mga nasugatan na umabot sa 46 porsiyento. Karamihan sa mga nasugatan ay mga batang nasa isa hanggang 10 taong gulang (42 porsiyento).

Sa kabuuang bilang, 189 (94 porsyento) ang nasugatan sa paputok; pito (4 porsiyento) ang tinamaan ng ligaw na bala at lima (3 porsyento) ang dahil sa fireworks ingestion. Nananatiling isa ang naitalang namatay dahil sa firecracker-related injuries.

Ang nagtamo ng blast o burn without amputation dahil sa paputok ay umabot sa 43. Samantala, 15 ang naputulan ng daliri at 31 ang nagtamo ng eye injuries.

Pinakamarami pa ring nasugatan dahil sa piccolo na umabot sa 96 kaso; sumunod ay dahil sa kuwitis na may 18 kaso; five-star na may 15 kaso.

Ang whistle bomb at boga ay may tig-siyam na biktima. Ang triyanggulo naman ay nakasugat sa pitong katao.

Nagbabala ang DOH na posibleng umabot ng 1,000 o higit pa ang mga biktima ng paputok bago sumapit ang Bagong Taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply