Billboard sa Pasig nakajamper ang kuryente?

TINATAYANG milyong pisong halaga ng kuryente ang ibinabayad ng lokal na pamahalaan ng Pasig dahil sa umano’y pag-operate ng dalawang higanteng electronic billboard na iligal na nakakonekta mula pa noong 2004.

Nabatid na pinaiimbestigahan na ni Pasig City Representative Roman Romulo ang naturang ilegalidad. Ayon sa kanya, dapat managot ang kumpanya kung mapatutunayang sinadya ang pagjajamper.

Ayon sa report,walang kaalam-alam ang Pasig City government sa nangyayaring ilegalidad kung saan mismong tapat pa ng Meralco nakakabit ang naturang billboard.

Base sa unang report, Nob. 18 nang makatanggap ng complaint letter ang opisina ng MMDA, tungkol sa dalawang electronic billboard sa Pasig, isa sa kanto ng Meralco avenue at Ortigas, at ang isa’y nasa Julia Vargas ilang metro lang ang layo.

Nakakasilaw raw kasi sa mga motorista ang mga ito. Ngunit matapos magsagawa ng inspeksyon ang MMDA, nadiskubre nilang gumagamit pala ng ilegal na koneksiyon, o jumper, ang mga inireklamong billboard mula pa nang itinayo ang mga ito noong 2004.

Tinatayang pitong taong nakalibre ng kuryente ang naturang billboard kung saan naipapasa umano ito sa lokal na gobyerno at posibleng pati narin sa mga ordinaryong residente ng Pasig.

“Kayang magbigay ng electricity nun sa isang buong village.Ssiguro mga 7 million pesos o higit pa,” ayon kay Richard Cruz, MMDA Field Operations Officer.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply