Bobcats, tiniris ng Celtics

IPINAHIYA ng Boston Celtics ang Charlotte Bobcats kahapon matapos itong durugin sa sarili nitong bakuran.

Itinatak ang ikasampu nitong panalo sa labas ng kanilang court, ang Celtics ay tinalo ang Bobcats sa iskor na 93-62.

Sa Dallas, Texas, kumana si Dirk Nowitzki ng 31 points at 15 rebounds sa pag-unat ng panalo ng Mavericks sa 12 games taglay ang 103-97 victory laban sa Utah Jazz habang kumamada si Jerryd Bayless ng career high 31 points sa panalo ng Toronto Raptors laban sa Detroit Pistons, 120-116.

Si Derrick Rose ay tumipa naman ng 21 points at seven assists sa panalo ng Chicago Bulls kontra Minnesota Timberwolves 113-82 habang binuhat ni Josh Smith ang Atlanta Hawks tungo sa panalo ng team laban sa Indiana Pacers, 97-83.

Sa bakuran ng Houston, inilampaso ng Rockets ang Cleveland Cavaliers 110-95 sa tulong ng 40 points ni Kevin Martin at nag-ambag naman si Luis Scola ng 14 points at 14 rebounds.
Samantala, inani ng Memphis Grizzlies ang ikalawang panalo nito sa laro sa ibang court nang patiklupin ang Los Angeles Clippers, 84-83.

Naging mitsa ng panalo ang sablay na tira ni Baron Davis habang nakapag-ambag naman si Zach Randolph ng 18 points at 13 rebounds at si Marc Gasol ay nagdagdag pa ng 17 points. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply