Bonus ng mga SSS pensioner, matatanggap na ngayong buwan

KASABAY ng pension, matatanggap na ng mga Social Security System (SSS) pensioner ang kanilang 13 month bonus.

Ayon kay SSS President at Executive Officer Emilio de Quiros Jr., nagpalabas na ang kanilang tanggapan ng P9.3 bilyong pondo para rito na mas mataas ng pitong porsyento kumpara noong nakaraang taon.

Aabot naman sa P3.9 bilyon ang inilabas ng SSS para sa death pension at ang P360 milyon para sa pensyon sa partial at total disability.

Batay pa kay De Quiros, makukuha ng mga pensioner ang kanilang benepisyo sa pamamagitan ng personal bank account sa ilalim ng “Mag-Impok Sa Bangko Program” o sa pamamagitan ng tseke.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply