Boy Abunda, hindi ginustong maging NCAA ambassador

NANGINGITI na lamang ang king of talk Boy Abunda sa mga nagkakalat ng balitang kaya siya nahirang na Ambassador ng NCAA ay dahil kay Presidente Noy Aquino. Sabi nga ni Boy, ang pagkakatalaga niya bilang Ambassador ng NCAA ay hindi niya kagustuhan at lalong walang kinalaman dito si PNoy.

‘ Walang kinalaman dito si Presidente at hindi po siya ang nagtalaga sa akin sa puwestong ito. Ang totoo po, kahit sabihin na nating malapit po ako sa Presidente ay alam nyo namang lahat na never akong dumikit o lumapit sa kanya especially ang humingi ng anumang posisyon sa gobyerno,’ say ni Boy.

Totoo nga ang tinuran ni Boy na kahit alam nating lahat na halos kapatid na ang turingan nina P’noy at Boy ay hindi ito sinasamantala ng king of talk. Sabi nga, hindi naman kailangan ni Boy ang anumang posisyon sa gobyerno dahil kung ang pagtulong lang sa mga mahihirap o kapwa ang pag-uusapan ay daig pa ni Boy ang may mataas na posisyon sa gobyerno as public servant.

Isa pa, sa dami ng trabaho ni Boy sa showbiz ay hindi na niya kailangan pa ang anumang trabaho sa labas.

May sarili itong kumpanya-ang Backroom kung saan humigit kumulang na sa daang mga sikat na artista,singers ang hinawakan ni Boy plus mga tv shows pa niya sa ABS CBN.

Tinanggap lang ni Boy ang pagiging Ambassador niya para makatulong na rin na tanging isa sa gagawin niya as Ambassador ay magsaayos ng mga Presscon kung saan bihasa naman talaga si Boy Abunda. Tunay ring karapat-dapat sa ganyang posisyon si Boy dahil walang masamang tinapay para sa kanya na always welcome ang sinumang mga manunulat na sa kanya ay mag-gate crash.

—-

TUWANG-tuwa ang Asias Diva Maggie Trinidad dahil sa katatapos na show niya nitong Linggo December 5 sa Ever Commonwealth ay talagang dinumog siya ng mga fans. Hindi rin namin akalain na ganoon ang magiging response ng mga fans kay Maggie.

Sabi ko nga, first time kong makaranas ng ganoong show ng isang baguhang recording artist na dinumog ang show kahit walang sikat na mga artistang guest duon si Maggie. Tunay naman kasing mahusay umawit ng live si Maggie na sa bawat pag-awit nya ay talagang pinapalakpakan siya.

Ayon na rin kay Jhonatan Trinidad, ang show na ito ni Maggie ay parte na rin ang pagpu-promote ng debut album ni Maggie entitled Back Home kung saan ang carrier single niyang Pahiwatig ay most requested song na sa ilang himpilan ng radyo dito sa Manila at Baguio.

Sabi nga, masuwerte si Maggie dahil kahit almost two months pa lamang na nari-release ang kanyang album ay marami na ang nakakagustro sa kanyang mga awitin. Nung mag-guest nga siya sa programa nina Rommel Placente at Fernan de Guzman sa DWIZ ay marami ang callers na nag-request agad ng awitin nitong Pahiwatig. Charlie Lozo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply