BSP, kinastigo sa maling disenyo ng bank notes

PINAGPAPALIWANAG ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang pamunuan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa palpak na disenyo ng bagong salaping papel ng Pilipinas.

“Dapat malaman kung ano ang kanilang dahilan at nagkaroon ng aberya. Kung hindi katanggap-tanggap ang dahilan ay dapat panagutin ang pumalpak,” anang senador.

Sa disenyo ng bank notes, naging kulay dilaw ang buntot ng isang loro. Ang Tubbataha Reef naman sa Palawan ay lumabas na sa teritoryo ng Pilipinas at parang naging bahagi na ng Malysia. Nawala rin ang Batanes Island sa disenyo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pumalpak ang BSP. Noong administrasyong Arroyo, nagkamali din sila sa paglalagay ng pangalan ng noo’y pangulo. Imbes na Arroyo ay naging Arrovo ito.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na hindi na dapat palakihin pa ang isyu.

“Ibigay na lang nila sa atin kung ayaw nila,” pagbibiro ng senador. Ernie Reyes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply