Buenavista naghari sa takbuhan

NAKABAWI si Eduardo Buenavista sa kabiguang natamo ng bansa sa katatapos na Guangzhou Asian Game matapos mangibabaw sa 34th National Marathon finals.

Ang long-distance runner ay nanguna sa men’s event kung saan pinagdudurog niya ang mga mababagsik na Kenyan competitors.

Tumapos si  Buenavista ng two hours, 24 minutes at 18 seconds sa takbuhang ginanap sa Quirino Grandstand sa Rizal Park sa Maynila.

“Talagang plano ko na maaga pa lamang ay lumayo na para makita kung sino talaga ang kalaban. Pero wala nang humabol kaya diniretso ko na,” ayon sa 32-anyos na pride ng South

Cotabato na matatandaang naghari sa 2002 at 2008 editions ng nasabing event.

Ang mga Kenyan runners ay kinabibilangan nina Willy Tanui, William Kipyego at Abraham Missos.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply