‘Buhay na buhay si Ka Roger!’

BUHAY na buhay pa si Ka Roger Rosal, tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines ayon sa mga kamag-anak nito at mahigpit na pinabulaanan ang naunang ulat ng militar na patay na ang rebeldeng lider.

Ayon kay former Ibaan Mayor Norberto Rosal, wala pa silang natatanggap na abiso mula sa kanyang mga kasamahan sa kilusan. Napakaimposble na mamatay si Ka Roger nang hindi lamang naipapabatid sa kanyang pamilya.

Ayon pa kay Norberto, wala ring abiso kung ito ay may sakit o nasa hindi magandang kalagayan.

Nauna nang napaulat kamakailan na patay na diumano ang rebeldeng lider base sa impormasyon ng militar.

Ayon naman sa isang kasamahan ni Ka Roger sa Southern Tagalog, kung totoo ang balitang patay na ang lider, hindi ito ililihim sa publiko bagkus ang rebolusyonaryong kilusan sa lokal at internasyunal ay maggagawad ng pinakamataas na pagpupugay sa lider na ibinuhos at inialay kanyang buong buhay, lakas at talino sa pagseserbisyo sa rebolusyonaryong kilusan.

Binatikos din ng mga kamag-anak at kasamahan ni Ka Roger ang maling propagandang ipinapakalat ng militar. Tiniyak ng mga kamag-anak at kasamahan ni Ka Roger na ito ay buhay na buhay at patuloy na naglilinggkod sa rebolusyonaryong kilusan. Ang hindi nito madalas diumano na pagbibigay ng mga media interview ay parte ng seguridad para sa kaligtasan ng lider. Carol Claudio

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply