Bulkang Bulusan, 2 linggo nang tahimik

DALAWANG linggo nang tahimik ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon kung saan huling naitala ang pagbuga ng abo noong Nobyembre 24.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dalawang volcanic quakes ang naitala sa paligid ng bulkan sa nakalipas na 24 oras habang hindi naman makita kung gaano kalakas ang steaming o ibinubugang usok nito dahil makapal ang ulap.

Nilinaw naman ng Phivolcs na nananatili pa ring nakataas ang alert level 1 sa Bulkang Bulusan dahil wala pa ring kasiguruhan kung tuluy-tuloy na ang pananahimik nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply